
Trending muli ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia Dantes, na nagdadalaga na ngayon at mas lumalabas ang kanyang kagandahan.
Sa video na ibinahagi ng RMA Studio Academy sa YouTube, napansin ng netizens ang kamangha-manghang “face card” ng child star sa backstage habang naghahanda para sa kanyang recital performance na That's Amore: A Night at the Movies, na ginanap noong November.
Makikita sa video na naka-casual na pananamit si Zia, at tila kapansin-pansin pa rin ang kanyang nagdadalagang features, habang kasama ang kanyang mga magulang na todo-suporta sa kanya.
Napa-react naman agad ang netizens, na nagsasabing si Zia ang susunod na magiging “big star” at susunod sa yapak ng kanyang ina.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa face card ni Zia:
Nakatanggap kamakailan si Zia ng ilang papuri mula sa mga celebrities sa kanyang pag-awit. Nagbigay din ng tribute message si Marian sa kanyang anak dahil sa patuloy nitong pagiging inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang “courage” at “kindness.”
Simulang ipinamalas ni Zia ang kanyang talento sa pag-awit noong 2024 sa kanyang unang stage performance sa “Be Our Guest” Concert. Pinarangalan din siya sa parehong taon bilang Breakthrough Child Performer of the Year sa 37th Aliw Awards.
Ipinanganak ni Marian ang kanilang anak na si Zia noong November 23, 2015. Samantala, ang bunsong anak na si Sixto ay isinilang noong April 16, 2019.
RELATED GALLERY: Growing up with Zia Dantes