
Sa beauty and brains pa lang ni Red Crown star Faith da Silva, marami na ang kanyang naging admirers. Ang ilan pa nga dito, nagpaparamdam na kung gaano nila kagusto ang aktres. Ngunit ano nga ba ang ideal man ng Kapuso star?
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 23, sinabi ni Faith na kahit may mga nagpapahiwatig sa kanya, masyado siyang abala ngayon para pagtuunan ng pansin ang pagmamahal.
“May mga pagpapahiwatig naman. Pero kasi, ninong, sa totoo lang, ang dami kong ginagawa ngayon. Sabi ko nga, 'yung tulog nga na maayos, 'yung kama ko nga, hindi ko masyadong maramdaman,” sabi ni Faith.
Dagdag ni Faith, nawawalan na rin siya ng oras para sa kanyang pamilya at wala na rin siyang social life dahil sa pagiging sobrang abala. At kung bibigyan pa nIya umano ng oras ang pag-ibig, siya lang din ang mahihirapan.
Pero kung mabigyan siya ng pagkakataon at “maka-relax” nang konti, ang ideal man umano ni Faith, “A kind of man that doesn't think of me lang, but also thinks of my family and loves my family.”
TINGNAN ANG ILANG SULTRY PHOTOS NI FAITH SA GALLERY NA ITO:
Pagpapatuloy pa ng aktres, “I think alam naman 'to siguro ng lahat ng mga breadwinners, lahat ng mga tumutulong sa pamilya nila. It doesn't stop from having your own family. 'Yun 'yung question palagi, 'When does it really stop, supporting your family member?' and it doesn't really stop. It never stops because nga parte sila ng buhay ko, eh. Ito 'yung pangarap ko for myself at pangarap ko for them.”
Samantala, sa “Fast Talk” segment ng show, inamin ni Faith na nakatanggap siya ng indecent proposals.
Sabi ng aktres, “Sa tingin ko nga, ang pangit na nowadays, it has become normalized, 'yung mga ganitong bagay, especially if you're in the industry. Siguro, ang masasabi ko na lang dito, kapag intact 'yung values mo and principles mo bilang isang tao, you would know what to do.”
Ngunit pag-amin ni Faith, bilang mga artista at dahil gumagawa din sila ng sexy projects paminsan-minsan, hindi naman maiiwasan ng mga tao ang ganoong pag-iisip.