
Isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa ang dream na maging leading man ni Sang'gre actress Faith Da Silva.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com para sa Kapuso Profiles, sinagot ni Faith kung sino ang dream niyang maging leading man. Ito ay walang iba kung hindi ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
Ani Faith, "Grabe 'yung mga mata n'ya. Talagang kapag umaarte s'ya sobrang expressive."
Minsan nang nakasama at nakasayaw ni Faith si Dennis sa countdown variety show na TiktoClock noong nakaraang taon.
@tiktoclockgma That's our TikTok Kings and Queens! 👑 #TiktoClockGMA ♬ original sound - TiktoClock
Sa ngayon, abala si Faith sa paghahanda para sa big role niya sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan gagampanan niya ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy na si Sang'gre Flamarra.
Patuloy naman siyang napapanood at nagbibigay kasiyahan sa Kapuso shows na TiktoClock at All-Out Sundays.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NI FAITH DA SILVA SA GALLERY NA ITO: