
Hindi lamang ang init ang tumitindi habang papalapit ang summer dahil to the max rin ang good vibes at tawanan na handog ng award-winning gag show ng Bubble Gang!
At para sa mas exciting na simula ng March, makakasama natin this Sunday night ang paborito n'yong Ka-Bubble na si Jak Roberto.
RELATED CONTENT: KILALANIN ANG ILAN SA FORMER KA-BUBBLE STARS
Ramdam din ang galing ng Sang'gre stars na sina Faith da Silva at Kelvin Miranda sa pagpapatawa dahil lalaban sila sa comedy kasama ang inyong Ka-Bubble barkada.
Tutukan din ang hinandang sketches ng buong Bubble Gang team tulad ng: 'Rider Photo,' 'Magician', at 'Amnesia.'
Kaya nood na ng pampa-GV n'yo every Sunday night na Bubble Gang sa oras na 6:15 p.m. ngayong March 3 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.