
Isang rebelasyon ang hatid ni Kapuso star Faith Da Silva tungkol sa huling tao na nagpakilig sa kanya.
Ayon sa aktres, ito raw ay si Kapuso comedian Buboy Villar.
“Sa AOS [All-Out Sundays] namin, magkasama kami sa isang segment do'n tapos magka-love team kami. Siguro mga three months na kaming magka-love team gano'n.
“'Tapos kapag nasa screen kami or nasa stage kami, kinikilig ako talaga sa kanya ng sobra. Kahit rehearsals pa lang, tinitignan niya akong gano'n, kinikilig ako,” pagbabahagi ni Faith sa “Pasabog Na Chika” segment ng Mars Pa More.
PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)
Isinigaw naman ni guest host Sef Cadayona, “Buboy, ang gwapo mo!”
Nang tanungin naman ang aktres kung ano ang kanyang natutunan mula sa isang toxic relationship, ito raw ay ang pagtitiwala sa sarili.
Aniya, “'Yung magtiwala sa sarili. Kasi minsan... Personal experience ko 'to, dini-disregard ko kung ano 'yung nararamdaman ko dahil feeling ko mali siya, hindi siya tama. Parang kapag relationship kayo, dapat ganito ka, dapat ganyan. Pero dapat pala makinig ka sa sarili mo, alamin mo kung ano 'yung nararamdaman mo talaga.”
Panoorin ang “Pasabog na Chika” ni Faith Da Silva sa Mars Pa More video sa ibaba.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.
Samantala, silipin ang jaw-dropping looks ni Faith Da Silva sa gallery na ito.