What's Hot

Faith Da Silva, may panahon pa ba sa love life sa dami ng projects?

By Karen Juliane Crucillo
Published June 26, 2025 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

faith da silva


Kaya na bang pagsabayin ni Faith Da Silva ang kaniyang career at love life ngayon?

Kaliwa't kanan ang ganap ni Faith Da Silva simula sa Encantadia Chronicles: Sang'gre at Tiktoclock, ngayon ay bibida din siya bilang isa sa celebrity dance stars sa upcoming dance competition na Stars on the Floor.

Ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkules, June 25, maraming nagtatanong kung mayroon pang panahon si Faith sa kaniyang love life sa dami ng kaniyang projects ngayong taon.

"Nagsabi talaga ako na, guys, after Sang'gre, magbo-boyfriend na ako sabi ko. Pero parang ngayon, e, may Stars on the Floor na naman. So, parang tatapusin ko din muna ba yung Stars on the Floor bago ako mag-love life?" sagot ni Faith tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig.

Kahit na sobrang busy sa kaniyang projects at halos wala ng oras sa kaniyang love life, lubos na nagpapasalamat si Faith dahil nagkaroon siya ng oportunidad sumayaw sa Stars on the Floor.

"It's a challenge, not just for me, para po sa aming lahat na nandoon. Ang masasabi ko lang is I am so grateful na I can finally say na parte ako ng dance community, at syempre, yung mga judges natin si Mamang Pokwang, Marian Rivera, Sir Jay at, syempre, hosted by Alden Richards," sabi ni Faith.

Ipinagmamalaki ni Faith na naranasan niya sumayaw ng iba't ibang genre dahil sa naturang dance show.

"Sa totoo lang, yung paso doble, yung jive, yung dace sport, this is something I have never done before in my life. Hip-hop na panglalaki, kumbaga, lahat talaga parang naikot talaga namin," ikinuwento ng aktres.

Mayroon din daw sila tuksuhan sa set ng dance show dahil magkalaban ang mag-ada na sina Glaiza na si Pirena at si Faith bilang Flamarra.

"Minsan nagugulat ako sa mga galawan ni Ate Glaiza, sabi ko hindi ko ine-expect na kaya mong gawin yan lahat pero alam mo 'yun kasi it is a competition like heated kaming lahat, bilang mga hathorian kami at nagiinit talaga kami palagi," pag-puri ni Faith kay Glaiza.

Makakasama ni Faith sa celebrity dance stars sina Glaiza, Rodjun Cruz, Thea Astley, at VXON Patrick. Samantala, handa na din humataw sa dance floor ang digital dance stars na sina Dasuri Choi, Zeus Collins, Joshua Decena, JM Yrreverre, at Kakai Almeda.

Magsisilbing dance authority panel naman sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay. Si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards naman ang magiging host ng dance show.

Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 na sa GMA.

Samantala, tingnan ang star-studded mediacon ng Stars on the Floor: