
Malaking hamon para kay Faith Da Silva ang pagganap niya bilang isa sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre na si Flamarra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ikinuwento ni Faith na naging malaking hamon ito sa kanya dahil "very complex at complicated" ang kanyang karakter.
Malaking bagay rin para sa aktres na nakasama niya sa show ang 2016 Sang'gre na si Glaiza De Castro, na magbabalik bilang Sang'gre Pirena at magiging kanyang ina.
Para kay Faith, matapang ang kanyang karakter na si Flamarra.
"Kasi nanggaling ako sa kampo ng mga Punjabwe at Hathoria, so 'yung pagsamahin mo 'yung dalawang kampo na 'yon, ibig sabihin mas matigas talaga ang ulo pero may puso pa rin," sabi ni Faith.
Ipinarating din ni Faith ang nararamdaman sa mainit na suportang natatanggap ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Maipakita namin siya ng excellent 'yun 'yong pinaka-goal namin. At nang makita namin 'yung mga tao na 'yung pagtanggap talaga nila, at saka kung gaano nila ka-miss 'yung Encantadia."
Noong Biyernes (May 16), inilabas na ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ang teaser para kay Sang'gre Flamarra.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Hunyo sa GMA Prime.
TINGNAN ANG RED OUTFITS NI FAITH DA SILVA SA GALLERY NA ITO: