GMA Logo Encantadia Chronicle Sanggre actress Faith Da Silva
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang'gre
What's on TV

Faith Da Silva, nagpasalamat sa suporta ng Encantadiks; binalikan ang paboritong moments sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published May 6, 2026 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Andy Gemao officially commits to US NCAA DI team Penn State
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon
Mister, sinurpresa ang misis na-lockdown sa Maynila | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicle Sanggre actress Faith Da Silva


Iniimbitahan ni Faith Da Silva ang lahat na suportahan ang epic finale week ng 'Sang'gre': "Ibinigay po namin ang buong puso para po sa show na ito."

Lubos ang pasasalamat ni Faith Da Silva sa umaapaw na suportang natatanggap ng Encantadia Chronicles: Sang'gre mula sa mga Encantadiks mula umpisa hanggang sa nalalapit nitong finale.

Sa naganap na finale media conference ng Sang'gre, ipinarating ni Faith ang sayang nararamdaman at binalikan ang pinakapaborito niyang moments sa show.

"Hindi tungkol sa akin ang araw na ito, kung hindi sa inyo mga Encantadiks na walang sawang nagbigay ng suporta sa amin simula umpisa hanggang ngayon. Kaya lahat ng pagpapasalamat, lahat ng pagmamahal, at suporta ay ibinabalik naming lahat sa inyo," sabi ni Faith.

"Napakaraming moments that I enjoyed and nagpalaki sa akin bilang isang tao habang ginagawa namin ang 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'. Pero isa sa aking paborito ay 'yung unang-unang pagkikita naming apat ng Sang'gre, 'yung pagkakakilala ko sa kanila, at 'yung pagbuo namin ng masayang samahan. Hindi lang sa aming apat kundi sa buong staff at crew, at sa lahat ng mga cast ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'," dagdag niya.

Inimbitahan din ni Faith ang manonood na suportahan ang epic finale week ng Sang'gre.

"Huling linggo at nabibilang na araw, sana po ay tutukan ninyo at panoorin ninyo ang Encantadia Chronicles: Sang'gre. Ibinigay po namin ang buong puso para po sa show na ito."

Huwag palampasin ang natitirang tatlong gabi ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.