
Nakita na ni Faith Da Silva ang magiging costume bilang Sang'gre Flamarra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kamakailan lang ay sumailalim si Faith sa ikaapat na fitting ng kanyang costume.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ibinahagi ni Faith ang naging reaksyon nang makita na ang costume ni Sang'gre Flamarra.
"Ang sexy, maapoy," sabi niya. "But you know sa pagiging sexy I feel like ito 'yung kailangan bilang isang warrior. Kasi bukod naman doon sa pagiging isang sexy, makikita rin natin kung gaano s'ya kalakas bilang isang Sang'gre."
Noong Huwebes (April 25), pormal nang ipinakilala ni Faith ang karakter na si Sang'gre Flamarra at ang pinagmulan nitong kaharian sa Encantadia sa unang araw ng Philippine Book Festival 2024 sa World Trade Center.
Sa nasabing event, nakasama rin niya ang iba pang mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian kung saan nagkaroon sila ng book reading session.
TINGNAN ANG NAGANAP NA BOOK READING SESSION NG NEW-GEN SANG'GRES SA GALLERY NA ITO: