GMA Logo Faith Da Silva
What's on TV

Faith Da Silva, sinabing komportable sila ni Albert Martinez sa isa't isa?

By Dianne Mariano
Published September 28, 2021 10:42 AM PHT
Updated September 28, 2021 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cavs wipe out deficit, extend surge with win over Grizzlies
Davao City forms task force to address socioeconomic crisis
GMA Radio Stations Reinforce Dominance of Mega Manila Airwaves for March 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva


Ano kaya ang reaction ni Kapuso star Faith Da Silva nang malaman ang isyu tungkol sa kanila ni veteran actor Albert Martinez? Alamin dito.

Ibinahagi ni Kapuso actress Faith Da Silva ang kanyang naging reaksyon tungkol sa isyu nila ni veteran actor Albert Martinez sa episode ng The Boobay and Tekla Show nitong Linggo, September 26.

Sa interview segment na “May Pa-Presscon,” sinabi ng aktres na nalaman niya ang isyu habang ongoing pa ang kanyang lock-in taping sa Las Hermanas.

“Nagulat ako but it's not that I didn't expect it kasi with our role kasi magiging partner ko siya dito sa Las Hermanas. Siguro nakikita ng mga tao that we're comfortable with each other,” sagot ni Faith.

Tinanong din sa Kapuso star kung pinag-usapan nga ba nila ng beteranong aktor ang balitang kumakalat tungkol sa kanilang dalawa.

Wika ni Faith, “As I've said nga, ongoing yung lock-in taping namin noong lumabas yung issue na ganito. Yes, nag-usap kami, napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiruan lang namin, tutuksu-tuksuhan lang.”

Nang tanungin kung ano ang naging reaksyon ng kilalang aktor tungkol sa isyu, sinabi ng Las Hermanas actress na prospesyunal lamang ang lahat sa kanilang dalawa.

“Walang ilangan and the fact na nakikita ng mga tao na okay yung chemistry namin together. I think yun 'yong mas importante sa amin,” pagbahagi ni Faith.

Ayon sa Kapuso star, very professional daw si Albert bilang isang actor pero gentleman daw ito kapag off-cam.

Wika niya, “As an actor, I would say na he's very professional. Pero pagdating naman offcam, he's very gentleman. He's very sweet, maalaga.”

“I never felt na veteran actor siya kasi the whole time na magka-trabaho kami, he was really there to take care of me and guide me sa trabaho bilang beteranong aktor nga siya and ito yung first ko na show pa lang. Nandoon talaga siya para gabayan ako all the way,” dagdag pa niya.

Nakasama naman ni Faith si Nagbabagang Luha actress Claire Castro sa larong “Guilty or Not Guilty” at parehong “guilty” ang dalawang aktres na nakatanggap sila ng indecent proposal sa social media.

“Hindi ako nagbabasa, hindi ako nagrerespond. Pinapabayaan ko lang sila,” sagot ni Faith.

Para naman kay Claire, naexperience niya na din ang ganitong sitwasyon kaya pinatay niya ang kanyang direct messages.

Nasubok din ang galing nina Faith at Claire sa pagsasalita ng Ingles sa segment na “Don't English Me” kung saan parehong nagwagi ang “Team Faith” na binubuo nina Boobay, Faith, Buboy Villar, at Kitkat at “Team Claire” na sina Tekla, Claire, Pepita Curtis, at Ian Red.

Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan kahit mayroong krisis! Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA Network pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling alamin kung bakit sina Boobay at Tekla ang nangunguna sa larangan ng komedya sa gallery na ito: