GMA Logo FAMILY FEUD
What's on TV

'Family Feud' fan na Charo Santos-Concio, maglalaro ngayong Lunes

By Maine Aquino
Published June 9, 2025 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

FAMILY FEUD


Abangan sa 'Family Feud' ang exciting na pagbisita ng cast ng pelikulang 'Only We Know'

Sa unang pagkakataon, maglalaro sa Family Feud ang veteran actress at dating network executive na si Ms. Charo Santos-Concio. Kasama niya sa masayang episode ang buong cast ng pelikulang Only We Know.

Sa panayaman kay Ms. Charo, sinabi nitong lagi niyang pinapanood ang Family Feud. Ngayon, maglalaro na siya rito.

Sina Ms. Charo at Dingdong Dantes ang mga bida sa pelikulang Only We Know at gagampanan nila ang karakter na Betty at Ryan.

Kasama ni Ms. Charo sa Team Betty ang mga beteranong aktor na sina Al Tantay, Joel Saracho, at Soliman Cruz.

FAMILY FEUD

Ang Team Ryan naman ay pangungunahan ng Kapuso actress na si Max Collins. Kasama niya ang mahuhusay na aktor na sina Johnny Revilla, Rafa Reyna, at Gil Cuerva.

Tutukan ang cast ng Only We Know ngayong Lunes (June 9) sa Family Feud!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.