GMA Logo Family Feud Philippines Week 3
What's on TV

'Family Feud' Philippines: Panalo ang pamilyang good vibes! | Week 3

By Jimboy Napoles
Published April 12, 2022 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Philippines Week 3


Mga Kapuso, maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay sa pinakamalaking game show ngayon sa bansa -- ang Family Feud!

Nananatiling trending at pinag-uusapan online ang top rating game show ngayon sa GMA -- ang Family Feud Philippines kasama ang Kapuso game master na si Dingdong Dantes.

Tuloy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng programa dahil bukod sa jackpot prize na naiuuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Noong Lunes (April 4), tinanghal na ikatlong jackpot prize winner ang Team Bubble Gang na binubuo ng Kapuso stars na sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Denise Barbacena, at Diego Llorico. Sa episode na ito nakalaban nila ang Team Babae Po Kami na binubuo naman nina Tuesday Vargas, Mosang, Dang Cruz, at Chichirita.

'Family Feud' Philippines: Team Bubble Gang vs Team Babae Po Kami | Episode 11

Nagtapat naman noong Martes (April 5), ang pamilya ng mga young comedienne at kapwa breadwinner na sina Kiray Celis at Herlene Budol, kung saan ang pamilya nina Herlene ang nakapaglaro sa fast money round.

'Family Feud' Philippines: Team Celis Family vs Team Budol Family | Episode 12

Matinding hulaan din ang nangyari noong Miyerkules (April 6), sa pagitan ng Team Diaz-Daza family kasama ang beauty queens na sina Gloria Diaz at Isabel Daza, at Team Marquez family sa pangunguna ng aktres na si Karel Marquez.

'Family Feud' Philippines: Team Diaz-Daza vs Team Marquez Family | Episode 13

Naghatid din ng level-up na tawanan noong Huwebes (April 7), ang YouTube stars na Team Payaman, at mga reyna ng beauty contest na Team Super Sireyna. Kung saan idinaan nila sa charm at kakulitan ang paghula sa top answers sa survey questions.

'Family Feud' Philippines: Team Payaman vs Team Super Sireyna | Episode 14

Good vibes din ang hatid noong Biyernes (April 8) ng mga pamilya nina Kris Bernal at Rocco Nacino sa kanilang paghaharap sa Family Feud.

'Family Feud' Philippines: Team Bernal Family vs Team Nacino Family | Episode 15

Ugaliing tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world class studio ng Family Feud sa gallery na ito.