GMA Logo 80s sext stars in Family Feud
What's on TV

Family Feud: Sexy stars noong '80s magtatapat ngayong August 26

By Maine Aquino
Published August 26, 2025 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

80s sext stars in Family Feud


Abangan ang '80s iconic stars na sina Azenith Briones at Vivian Velez sa 'Family Feud' mamayang 5:40 p.m.

Ang iconic stars of the '80s ang bibida sa Tuesday episode ng Family Feud.

Maglalaro ngayong Martes ng gabi ang dalawa sa mga pinakahinahangaang mga aktres noong '80s. Sila ay ang beauty queen turned actress Azenith Briones at ang award-winning actress na si Vivian Velez.

Si Azenith ay ang crowned second runner-up sa 1975 Mutya ng Pilipinas. Siya rin ay nakilala sa role na Azenith Tobias sa iconic 1980 comedy film na Temptation Island. Ang role na ito ay ginampanan naman ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa 2011 remake.

Makakasama ni Azenith sa team na Briones-Reyes Family ang eldest son na si Joseph Briones Reyes, ang proud pilot of the family na si John Rey Briones Reyes, at ang youngest na si James Matthew Briones.


Si Vivian ay ang acclaimed actress na hinangaan sa pelikula noong 1983 na Pieta at sa dramang Paradise Inn noong 1985.

Sasamahan naman si Vivian ng kaniyang mga kaibigan sa Team Double V. Ang avid traveler na si Daniel Nobleza, ang passionate nature lover na si Mads Salino, at ang driven entrepreneur na si Donna Agustin.

Exciting na Martes ang masasaksihan kasama ang iconic stars kaya abangan ito sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA.

Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: