GMA Logo Family Feud
What's on TV

'Family Feud' survey question na 'Saan maraming bading?', trending!

By Jimboy Napoles
Published May 13, 2024 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kung ikaw ang tatanungin, saan nga ba maraming bading?

“Sa closet po.”

Isa lang 'yan sa witty answers ng netizens sa survey question ng Family Feud na, “Kung maraming maton at siga sa inuman, saan naman maraming bading?”

Ang survey question na ito ay isa sa crowd sourcing posters online ng bagong segment ng game show na “Kayo Naman Ang Magtanong”, kung saan bibigyan ng chance ang viewers na makapagtanong sa guests sa studio.


Hindi naman pinalampas ng maraming wittty sa social media ang pagkakataon na sagutin ang nakatutuwang survey question.

“Sa Concert ni Regine Velasquez HAHAHAHA,” sagot ng isang netizen.

“Sa closet po,” dagdag pa ng isang social media user.

“Sa Gay pageant syempre,” reply naman ng isa pang netizen.

Bukod sa naturang segment, napapanood din ngayon sa programa ang isa pa sa bagong segment na “Let's Play! Family Feud.”


Sa interview ng GMANetwork.com sa game master ng Family Feud na si Dingdong Dantes, ipinaliwanag niya ang simpleng mechanics ng mga bagong segment.

Aniya, “Ang daming bagong pakulo kagaya ng pagpunta natin sa mga iba't ibang barangay sa pamamagitan ng 'Let's Play! Family Feud' booth - puwede silang pumasok at puwede silang sumagot sa mga tanong natin dito.

“So, may camera doon basta 'wag kayong mahihiya, sumagot lang kayo nang sumagot at puwede rin kayong magpadala ng mga tanong dito at babasahin namin nang live habang umeere ang Family Feud. 'Yung pangalan n'yo at 'yung tanong n'yo mismo ang gagamitin namin dito. Siyempre higit sa lahat, super star-studded ang mga bisita natin every day.”

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.