GMA Logo Family Feud Theme Song
What's on TV

'Family Feud' theme song na 'Ano'ng Sabe?' available na for streaming

By Jimboy Napoles
Published April 13, 2022 4:49 PM PHT
Updated April 22, 2022 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Theme Song


Mapapakinggan mo na ang theme song ng 'Family Feud' na "Ano'ng Sabe" sa ilang music streaming platforms.

Parami nang parami ang mga napapaindak sa tuwing naririnig ang theme song ng Family Feud Philippines na 'Ano'ng Sabe?' na inawit ni The Clash season 2 grand champion Jeremiah Tiangco.

Kung isa ka sa kanila, huwag mag-alala dahil walang sawa mo na itong mapapakinggan sa lahat ng music streaming platforms kabilang na sa Spotify, iTunes at Deezer music.

Ang good vibes na hulaan sa top answer ng survey questions, gawin nating mas exciting habang pinakikinggan ang 'Ano'ng Sabe?' DITO.

Samantala, tuloy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng Family Feud dahil bukod sa jackpot prize na naiuuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Patuloy na subaybayan ang Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA.

Mas kilalanin naman ang 'Ano'ng Sabe' singer at The Clash season 2 winner na si Jeremiah sa gallery na ito.