
Isang pagkilala ang muling natanggap ng trending weekday game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Sa ginanap na Platinum Stallion National Media Awards 2023 nitong Miyerkules, February 15, itinanghal bilang Best Game show ang Family Feud. Ang nasabing pagkilala ay iginawad ng Trinity University of Asia kasabay ng kanilang 60th founding anniversary.
Matatandaan na kamakailan ay kinilala naman bilang Most Outstanding Entertainment Show ang nasabing programa sa 5th Gawad Lasallianeta kasama ang iba pang award-winning programs ng GMA Network.
Patunay lamang ang mga pagkilalang ito na ang programang Family Feud ay naging matagumpay sa pagbibigay ng kasiyahan at good values sa Filipino audience.
Samantala, tuloy-tuloy rin ang pamimigay ng papremyo ng Family Feud dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.
Bukod dito, nagbigyan na rin tiyansa ang team bahay na mag-audition at maging studio player ng programa na may tiyansang mag-uwi ng PhP200,000 jackpot prize.
Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
BALIKAN ANG TRENDING EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: