GMA Logo Dantes Family
What's Hot

Marian Rivera, may separation anxiety sa mga anak niyang sina Zia at Sixto

By Kristian Eric Javier
Published June 7, 2023 10:55 AM PHT
Updated June 12, 2023 12:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Dantes Family


Matapos ang apat na taon ay balik teleserye na si Marian Rivera pero hindi maiwasan ng aktres na makaramdam ng separation anxiety o 'sepanx' sa mga anak niyang sina Zia at Sixto.

Sa pagbabalik ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa paggawa ng teleserye, aminado ang aktres na challenging ang mahiwalay sa mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto. Ayon sa aktres, nakakaramdam daw siya ng separation anxiety sa mga ito.

Sa interview niya kay Lhar Santiago sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, sinabi ni Marian na tinanong daw niya ang sarili habang papunta sa story con kung itutuloy ba raw niya ang pagbabalik teleserye.

“Kanina lang papunta ako dito, sabi ko 'Totoo na ba ito? Itutuloy ko ba?'” sabi niya.

At nang tanunging siya kung sa tingin ba niya ay malalamapasan niya ang sepanx na nararamdaman, ang sagot niya ay “Feeling ko mao-overcome naman kasi sinasabi ko rin sa mga kids na magwo-work muna si mama for a while, for a while lang naman.”

Ayon sa aktres, maganda rin ang naging arrangment nila ng asawang si Dingdong para sa pag-aalaga ng kanilang dalawang anak.

Aniya, “Kailangan 'pag ako may work, adjust siya. Pag siya, adjust din ako. So kailangan may isa sa mga bata talaga.”

“Pag wala talaga, andiyan naman si mama tsaka mom ni Dong na para tulungan kami,” pagpapatuloy ng aktres.

Sa "Today's Talk" segment ng Fast Talk with Boy Abunda nauna nang ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda ang nalalapit na pagbabalik teleserye ni Marian.

Makakasama niya sa bagong serye sina Gabby Concepcion, Max Collins, Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Tart Carlos, Caitlyn Stave, at Josh Ford.

Sa interview ni Marian kay Lhar, ibinahagi rin ng aktres ang excitement niya na makatrabaho ang mga dating nakasama at bago niyang makakasama sa isang serye.

“Very excited and then 'yung casting, konti lang 'yung nakatrabaho ko before. Siguro dahil sa four years akong hindi nagtrabaho sa ang daming mukha na bago para sa'kin,” sabi nito.

Dagdag niya, “Looking forward ako na makatrabaho din sila.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG GROWING AND BEAUTIFUL FAMILY NINA DINGDONG AT MARIAN DITO: