GMA Logo Iza Calzado names her daughter Deia Amihan from Encantadia
What's Hot

Iza Calzado: 'I owe a lot to Amihan'

By Gabby Reyes Libarios
Published October 29, 2023 6:50 PM PHT
Updated October 29, 2023 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029

Article Inside Page


Showbiz News

Iza Calzado names her daughter Deia Amihan from Encantadia


Bakit nga ba pinili ni Iza Calzado ang pangalang 'Amihan' para sa kanyang anak?

Aminado ang aktres na si Iza Calzado na nag-iwan ng malalim at makabaluhang marka sa kanyang personal na buhay si Amihan, ang kanyang karakter sa Encantadia.

"I owe a lot to Amihan," panimula ni Iza Calzado nang makapanayam siya ng GMANetwork.com sa opening ng 'first permanent store" ng Edamama, isang online shopping platform na sikat sa mga parents.

"I think people embraced me, loved me more because of that role, that show. Kumbaga, suwerte siya para sa akin."

Sa 2005 hit na fantasy series na idinirehe ni Mark A. Reyes para sa Kapuso Network, si Amihan ang tumatayong pinaka-lider ng mga Sang'gres or magkakapatid na diwatang tagapangalaga ng mga brilyanteng nagbibigay ng balanse sa mundo ng Encantadia. Sa naturang palabas nakasama rin ni Iza Calzado sina Karylle, Diana Zubiri, Sunshine Dizon, Dingdong Dantes, at Jennylyn Mercado.

Bukod sa nakatulong ito sa pagbulusok ng showbiz career ni Iza Calzado, marami rin sa kaugalian at gawi ni Amihan ang hinahangaan ni Iza.

"A lot of the traits of Amihan, I really admire.

"She's a good leader, she's a good sister. She's a warrior, but she's also the queen."

Kaya ito rin ang isa sa mga maraming dahilan kung bakit niya pinangalanan ang kanilang anak ni Ben Wintle na "Deia Amihan."

Ipinanganak ni Iza Calzado si Deia Amihan noong January 26, 2023. Para sa batikang aktres, matindi rin ang kanyang pinagdaanan noong ipinagbubuntis pa lamang niya si Deia.

"Me and my daughter went through a Toxoplasmosis battle. I felt that she was fighting it with me, so warrior din siya."

Para sa mga hindi nakakaalam, ang Toxoplasmosis ay isang uri ng disease na nagmula sa parasite na nakukuha sa pagkain ng undercooked or contaminated meat or shellfish. Para sa taong malakas ang immune system, hindi gaanong nakakaapekto ang sakit na ito, pero para sa isang buntis, maaari itong magdulot ng brain damage, visual impairment sa dinadalang bata, o miscarriage.

Matatandaan sa kanyang August 18, 2023 Instagram post, inamin ni Iza na na noong una niyang malaman ang posibleng mangyari kay Deia kapag hindi nila ito napagtagumpayan, hindi niya napigilang humagulgol habang nasa isang "healing trip" sa Diesse, Switzerland.

Sabi nga ni Iza sa naturang Instagram post: "For the first time in my life, I felt a very primal urge to fight, not only for myself, but for another human. For you, anak. I remember crying as soon as the zoom meeting was done and stepping out of the car, rushing to the edge of the mountain and, with tears streaming down my face, saying “No. No. No! Lalaban tayo, anak. Lalaban tayo!”

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


Dagdag pa ni Iza sa kanyang panayam sa GMANetwork.com, pinili niya idugtong ang "Amihan" sa pangalang Deia dahil nababagay daw ito.

"To be honest, it also had a lot to do with, anong babagay sa Deia, because we were set with Deia. So Amihan was one of the choices and I said, you know what, kasi I contemplated pa, 'cause it was so personal and so heavily tied [with me] people would still call me Amihan, so maybe it's also something that I could pass on to her, that good luck. Plus, the good traits of the character. Maybe one day she'll be a leader in her own way when she has all those qualities as well."

Isang pang rason kung bakit di niya malilimutan si Amihan ay dahil magpasa-hanggang ngayon mayroon pa ring tumatawag sa kanya ng "Amihan," bagay na ikinagagalak ni Iza.

"That was my first hit, di ba?

"To this day, people are still fond of the character, of the show, really.

"It's such a beautiful name, very Filipino. 'Yung anak ko di ko alam kung saan siya dadalhin ng buhay. Posible siyang dalhin ng buhay sa ibang bansa but she will always have something instrinsically Filipino about herself, her lineage."

Malabo ring makalimutan ng publiko ang pangalang Deia Amihan anytime soon dahil naman pinag-uusapan na rin ngayon ang Sang'gre: Encantadia Chronicles, ang pagpapatuloy ng kuwento ng mga bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin, tubig, apoy at lupa ng Encantadia.

Sa naturang fantasy series, Isa sa mga karakter dito ay ang anak ni Amihan na si Deia, na gagampanan ni Angel Guardian. Si Deia ang tagapagmana ng brilyante ng hangin.

Sa isang nakaraang 24 Oras report kung saan ni-reveal na ang mga bagong Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda, ibinigay ni Iza ang kanyang basbas kay Angel.

Sabi ni Iza, "Hello, anak! I saw online that they have already announced the characters for Sang'gre and your participation in it. I wish you all the best as you embark on this journey of playing/being Deia. May it bring you the break you so deserve! Alagaan mo si Deia ha. Hehe! Love you!"

Pangako naman ni Angel Guardian ay pangangalagaan niya si Deia. Sa kanyang Instagram post, inamin ng batang aktres na thankful siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Iza.

"I don't ever want to start saying I'm Sang'gre Deia without acknowledging the real reason why the name Deia exists. To Ms. Iza, thank you so much for this very beautiful name and thank you sa pagpayag na gamitin ang pangalan ng pinaka espesyal na tao sa buhay mo--your beautiful baby, Deia Amihan.

"I'm beyond grateful na nagkaroon ako ng chance makausap ka personally, and makuha ang basbas mo. Thank you for being you, a very warm and wonderful person. Thank you for sharing your knowledge, compassion and words of encouragement to me with portraying this role.

"I know how special Deia is to you, and I want to say it again.. I won't disappoint you. I'll take good care of Deia and carry this name with kindness, power and grace. Thank you my forever favorite Amihan @missizacalzado"

A post shared by Angel Guardian (@itsangelguardian)