
Bukod kay Bianca Umali, ipinakilala na sina Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian bilang mga bagong Sang'gre!
Pangangalagaan ni Bianca ang Brilyante ng Lupa, habang ang magmamana naman ng Brilyante ng Apoy ay si Faith, Brilyante ng Tubig si Kelvin, at Brilyante ng Hangin si Angel.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ibinahagi nina Faith, Kelvin, at Angel ang pressure at excitement na nararamdaman sa pagganap nila sa kani-kanilang mga role.
Ayon kay Faith, nag-audition siya noong 2016 para sa Encantadia. Nagpasalamat naman ang aktres sa kanyang ina na laging sumusuporta sa kanya. Kuwento niya, "Siya 'yung nagbigay ng inspirasyon sa akin para galingan ko palagi. Para ipakita ko sa mga tao na 'I'm deserving of this position right now.'"
Ikinuwento naman ni Angel na nagkita na sila ng unang naging tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na si Iza Calzado. Ang pangalan ng kanyang karakter sa Sang'gre na si Deia ay mula sa pangalan ng anak na babae ni Iza na si Deia Amihan.
Naging emosyunal naman si Kelvin sa big break na ibinigay sa kanya. Sabi ng aktor, "Hindi po kasi natin sigurado kung kailan darating sa 'yo 'yung ilaw mo, 'yung spotlight mo. Parang ang dami munang pagsubok na darating para makita mo siya."
Ngayon pa lamang ay nagsisimula na ang paghahanda nina Faith, Kelvin, at Angel para sa Sang'gre. Pinag-aaralan na rin nila ang lenggwaheng Enchan ng mga taga-Encantadia.
Ang Sang'gre ay continuation ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia. Sa serye, makikilala si Faith Da Silva bilang Flamarra, anak ni Sang'gre Pirena at ng Punjabwe na si Azulan.
Gaganap si Kevin Miranda bilang Adamus, anak ni Alena at ang nag-iisang lalaki sa hanay ng mga bagong Sang'gre. Mapapanood naman si Angel Guardian bilang Deia, isa siyang Mine-a-ves na may mabuting kalooban.
Congratulations, Bianca, Faith, Kelvin, at Angel!
Narito ang isang throwback gallery ng mga dating taga-pangalaga ng mga brilyante ng Encantadia: