Showbiz News

Dalagang anak ni Pokwang, bakit hinangaan ng netizens?

By EJ Chua

Kasalukuyang usap-usapan sa social media ang anak ni Pokwang na si Mae Subong.

Nakakatanggap si Mae ng sunud-sunod na papuri mula sa netizens dahil sa kanyang mabuting pag-uugali na napansin ng marami sa isang vlog.

Kamakailan lang, nakasama ng Kapuso host at comedienne na si Pokwang ang kanyang dalagang anak sa isang cooking vlog.

Mapapanood dito na tinulungan ni Mae ang kanyang mommy sa pagluluto ng isang ulam.

Habang nagluluto, nagkaroon ng pagkakataon si Mae na makakwentuhan ang kanyang mommy.

Pa-question and answer portion ang naging additional bonding ng mag-ina.

Isa sa mga itinanong ni Mae ay kung ano ang maipapayo ni Pokwang sa kanyang younger self.

Sagot ng TiktoClock host, “Maging wise pagdating sa pagmamahal. Don't let anybody use you again.”


Kasunod nito, ilang seryosong bagay tungkol sa buhay ang kanilang napag-usapan.

Kapansin-pansin sa mga salita ni Mae na malawak ang kanyang pang-unawa, mayroon siyang mabuting puso, at malalim ang pagmamahal niya sa kanyang ina.

Narito ang ilang comments ng netizens tungkol sa anak ni Pokwang na si Mae:

Samantala, bukod kay Mae, mayroon pang isang anak na babae si Pokwang-si Malia, ang kanyang baby girl sa ex-partner niya na si Lee O'Brian.