
Inilahad ni Pokwang kung paano nangyari ang pagkikita ng kaniyang dating partner na si Lee O'Brian ang kanilang anak na si Malia.
Sa YouTube channel ni Ogie Diaz ay ikinuwento ni Pokwang kung paano nagkasama muli ang mag-ama na sina Lee at Malia.
Matatandaang inamin ni Pokwang ang kanilang paghihiwalay ni Lee noong July 2022
PHOTO SOURCE: @itspokwang27/ @leeobrian
Ani Pokwang, pinagbigyan niya ang kagustuhan ng kaniyang anak.
"Para kay Malia na lang. Nakita ko kasi 'yung mata nung bata, 'yung longing niya sa ama niya. Ibinigay ko na nga 'yung gusto nung bata."
RELATED GALLERY: Pokwang and Lee O'Brian's relationship timeline
Ipinaliwanag ng TiktoClock star na si Pokwang kung paano nagsimula ang kanilang pag-uusap ni Lee.
"Nag-message kasi sa akin 'yung ama. Sabing ganoon, puwede ko ba siyang mahiram, manonood kami ng Aladdin.
Saad pa ni Pokwang ay pinag-isipan niya itong mabuti at itinanong niya rin ito kay Malia.
"Ang tagal, nag-isip muna ako. Parang kinabukasan ko pa inano sa bata. Tinanong ko si Malia, sabi ko gusto mo bang manood ng Aladdin? Tiningnan ko 'yung mata nung bata, sabi ko what if sama ka ulit kay Dada? 'Yung mata niya, bumilog. Really? Gumanoon siya."
Sagot daw ni Malia kay Pokwang, "Oh! I can't wait!
Dugtong pa ni Pokwang, "Tumakbo agad sa ano, kinuha agad 'yung maleta niya. Akala niya agad agad. Ni-ready niya agad 'yung dadalhin niya."
Isa pa sa inilahad ni Pokwang sa kaniyang interview ay sa ngayon ay hiling niya lamang ay mag-apologize si Lee sa kaniya.
"Ang gusto ko lang talaga ngayon, mag-sorry naman siya. Hindi talaga nagso-sorry e."
Binigyang diin ni Pokwang na kung hindi niya makukuha ang paghingi ng apology ni Lee ay maging mabuti na lamang daw na ama ito kay Malia.
"Okay na kami, pero sige, huwag ka na mag-sorry, basta 'yung bata, Ituloy tuloy mo lang yung pagpapaka-tatay ka talaga sa bata."
Panoorin ang kuwento ni Pokwang dito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG MOTHER AND DAUGHTER PHOTOS NINA POKWANG AT MALIA: