
Masayang ibinahagi ng Asawa Ng Asawa Ko actor na si Joem Bascon na masaya siya ngayon sa kanilang pamilya ng aktres na si Meryll Soriano.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng batikang TV host si Joem, “Sabi ni Meme [Meryll Soriano] mas sigurado ka ngayon. Ano ang ibig sabihin nun?”
Sagot naman ng aktor, “Sigurado na kami sa isa't isa.”
Dagdag pa niya, “Sigurado na kami sa kung sino kami ngayon and sigurado na kami na panghabang-buhay na kaming magkakasama.
Ayon pa kay Joem, hands on sila ni Meryll pagdating sa pag-aasikaso sa kanilang pamilya.
Aniya, “Kami ni Meme [Meryll Soriano] ang nag-aalaga. We really share our time and we really love our family.”
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Meryll Soriano's modern family
Noong 2020 nang unang mapabalitang nagkabalikan na sina Joem at Meryll matapos silang maghilaway noong 2009.
January 2021 nang ipanganak ni Meryll ang anak nila ni Joem na si Gido.