GMA Logo Jessy Mendiola, Luis Manzano
Source: jessymendiola (IG)
What's Hot

Jessy Mendiola, payag ba na pumasok sa pulitika si Luis Manzano?

By Jimboy Napoles
Published April 7, 2024 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Jessy Mendiola, Luis Manzano


Suportado ba ni Jessy Mendiola si Luis Manzano sakaling pumasok ito sa pulitika?

“I cannot answer yet.”

Ito ang naging sagot ni Jessy Mendiola kay Boy Abunda nang mapag-usapan nila kung posible bang pumasok sa pulitika ang kanyang asawa na si Luis Manzano nang mapag-usapan nila ito sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.

Ayon kay Jessy, hindi niya pa masabi kung papasukin na rin ng asawang TV host ang pulitika gaya ng kanyang ina na si Vilma Santos at stepfather na si Ralph Recto.

“Kasi ang dami ring nagtatanong sa akin. Recently kasi si Luis, he has been doing events in Lipa kasi si Tito Ralph is very busy. So si Luis 'yung pumupunta for him and maraming nagtatanong sa akin kung tatakbo ba siya, is he gonna get into politics, and as of now, I cannot answer yet,” ani Jessy.

Kuwento pa ni Jessy, dati ay tutol na tutol siya sa posibilidad na pagiging politiko ni Luis.

Aniya, “But you know, before? Siguro kung before 'to, nung mag-girlfriend, boyfriend pa lang kami? I would say na… actually, sinabi ko talaga 'to, Sabi ko sa kanya, 'Pag ikaw tumakbo, hihiwalayan talaga kita,” natatawang sinabi ni Jessy.

Paliwanag niya, “I know naman it's for our country, 'di ba? It's for the Filipinos. But for me kasi, I kind of grew up in showbiz. And you know, showbiz is… a different world, and politics also is you know, another different world. So parang for me, hindi ko alam kung kaya kong i-handle 'yun.”

Pero ngayon na na-expose na raw si Jessy sa trabaho ng kanyang in-laws ay mas naunawaan niya na ang public service.

“But you know at this point, now that I am married to him, and also I've been with sila Momsky [Vilma Santos], sila Tito Ralph [Recto], mas lalo na nung pandemic, I've seen kung pano nila, kung pano 'yung public service nila.

“Isa lang masasabi ko talaga, grabe, grabe talaga 'yung public servants natin. I mean of course, I could only speak for my in-laws. Para sa akin si Luis… family niya 'yan e, and that'ss you know, that's part of him and I cannot deny him that,” ani Jessy.

Dagdag pa niya, “If ever man he's gonna run, sino ba naman ako para ipagkait sa kanya 'yung ganung parte ng buhay niya? So sinabi ko talaga sa kanya, 'Just in case, 'di ba? If ever you decide to run, I will be here for you.' Parang in-assure ko siya.”

Samantala, nito lamang February 2024, muling nagpakasal sina Jessy at Luis sa isang beach wedding sa Palawan.

BALIKAN ANG MGA LARAWAN SA KANILANG SECOND WEDDING DITO: