What's Hot

Carlos Yulo, pinasalamatan ang kanyang ama

By EJ Chua
Published August 6, 2024 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cyrille Payumo wins Best in National Costume at Miss Charm 2025
CinePanalo student shorts winners to receive full scholarships, tuition discounts from APFI
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

carlos yulo


Carlos Yulo sa kanyang amang si Andrew Yulo: “Grabe 'yung suporta na ibinibigay din no'n…”

Patuloy na bumubuhos ang mga pagbati para sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos “Caloy” Yulo.

Kasunod ng kanyang magkasunod na tagumpay sa 2024 Paris Olympics, lalo pang naantig ang puso ng marami nang magbigay ng mensahe si Caloy sa kanyang ama na si Mark Andrew Yulo.

Sa video na inilabas ng GMA Integrated News, mapapanood na ipinaabot niya ang pasasalamat niya sa kanyang ama.

Pahayag niya,“Mahal na mahal ko 'yung Tatay ko. Grabe 'yung suporta na ibinibigay din no'n, grabe.”

“Pa, mahal na mahal kita,” pahabol pa ni Caloy.

Kakabit ng magkasunod na tagumpay ng 24-year-old Olympian, maraming netizen ang nakapansin na walang post tungkol sa pagdiriwang ang kanyang ina na si Angelica Poquiz Yulo.

Dito na nagsimulang pag-usapan ng marami sa social media ang tungkol sa naturang isyu.

Samantala, sunod naman n paghahandaan ni Caloy ay ang kanyang paglahok sa 2028 LA Olympics.