
Naniniwala ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa kakayahan ng kapwa niya Pinoy Olympian sa 2024 Paris Olympics, ito ay matapos na makakuha ng dalawang gold medals para sa Artistic Gymnastics.
Nasungkit ni Carlos Yulo ang unang gold medal ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics matapos na manguna sa men's floor exercise event na ginanap sa Bercy Arena noong Sabado, August 3.
Gumawa ng panibagong record si Carlos Yulo nang tanghaling kampeon sa men's vault finals sa score na 15.116 noong Linggo (August 4), na nagbigay ng pangalawang ginto sa bansa sa 2024 Paris Olympics.
Meet Carlos Yulo, the Philippines' two-time Olympic gold medalist
Sa interview ng GMA Integrated News, ipinarating ni Carlos Yulo ang mensahe niya para sa kapwa niya mga atletang Pinoy.
"Wish ko lang, safe and magandang performance para sa kanila," sabi ni Carlos. "I know that they can do it. Have fun. Napaghirapan na natin 'yung mga practice, ipakita natin kung ano 'yung kaya nating gawin."
Nagbigay rin ng mensahe si Carlos Yulo para sa kanyang ama. Aniya, "Mahal na mahal ko 'yung tatay ko. Grabe 'yung suporta na ibinibigay [n'ya]. Thank you sa suporta pa, mahal na mahal kita."
BASAHIN ANG NATANGGAP NA PAGBATI NI CARLOS YULO MULA KAY HIDILYN DIAZ AT ILANG CELEBRITIES DITO: