
May bagong apo na ang proud grandma na si Dina Bonnevie.
Kamakailan lang, ilang photos ang in-upload ni Dina sa Instagram, kung saan makikita ang ilang kaganapan sa naging pagbisita niya sa kanyang bagong apo na si Isaiah Timothy.
Si Isaiah ang ikaanim na anak ni Oyo Boy Sotto sa asawa nito na si Kristine Hermosa.
Sa mga larawang ito, isang happy grandma si Dina habang buhat niya si baby Isaiah.
Ibinida niya ang pictures na kasama na niya ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Mayroon din siyang picture kasama ang kanyang anak na si Oyo pati na rin ang kanyang daughter-in-law na si Kristine.
Sulat ni Dina sa caption ng kanyang post, “And just like that I am a happy grandma for the 9th time [heart emoji].”
“Thank you Lord for granting a safe delivery for Tin and for bringing another healthy grandchild (Isaiah Timothy) into our family. To God be the glory,” dagdag pa niya.
Samantala, si Dina ay napapanood sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Madam Giselle, ang kapatid ni Doc RJ na karakter naman ni Richard Yap sa serye.