
Labis na hinangaan ni Billy Crawford ang pagiging ina ng kanyang asawa na si Coleen Garcia matapos nitong isilang ang kanilang ikalawang anak na si Austin noong August 17.
Anang The Voice Kids coach sa panayam ng GMANetwork.com, "Mas mahirap for Coleen because she's breastfeeding so wala akong reklamo. 'Di ako makareklamo. I don't deserve to complain at all because I have a healthy new child. Si Kuya Amari ngayon, gentle with Baby Austin and my wife really is the best mom I can think of for my kids, so sobrang happy."
Ayon kay Billy, mixed emotions siya nang ipanganak ni Coleen ang kanilang second baby boy dahil hindi niya ito nakasama.
Kwento niya, "Yung feeling is kind of surreal and really weird kasi no'ng nanganak si Coleen wala ako physically, nasa eroplano ako on the way back pa lang so yung last text message na natanggap ko galing sa pinsan ni Coleen was ate's in labor tapos five minutes after yung text n'ya, sabi niya, 'don't worry, it will take 12 hours, 24 hours pa siguro kasi 3 cm pa. Two minutes after that, Coleen gave birth so pa-take off pa lang ako so yung mixed emotions talaga. So I was trying to call them habang nasa eroplano ako, of course, walang connection. WiFi wasn't working on the plane... It was very, very difficult."
Gayunpaman, napawi ang kanyang panghihinayang nang makita nang personal si Austin, na ipinangalan nila sa capital ng Texas, USA, na hometown ng yumaong ama ng multi-talented performer.
Patuloy ni Billy, "Pagdating ko dito, it was the best feeling and I had food poisoning pa. It was bizarre kasi may dad's birthday is August 24. He's an August child. My dad past away last year... so there are a lot of things na naiisip ko that time na, 'Dad, pinilit mo bang lumabas agad si Austin.'"
Ngayong dalawang lalaki na ang anak nina Billy at Coleen, maituturing nilang blessing kung sakaling magkaroon sila ng anak na babae in the future at papangalanan nila itong Abby.
Wika ni Billy, "We're just blessed actually to have another child but, of course, it would be great to have a girl na rin as addition. It's truly an amazing feeling, yung pagitan nila na fiive year-gap, it's perfect."
Winelcome nina Billy at Coleen ang una nilang anak na si Amari noong September 10, 2020 via water birth.
TINGNAN ANG TENDER MOMENTS NINA BILLY, COLEEN, AT AMARI KASAMA ANG BAGONG MIYEMBRO NG KANILANG PAMILYA NA SI AUSTIN.