advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Mga miyembro ng Revilla clan na pumasok sa mundo ng showbiz

1 of 13

Ramon Revilla Sr.

Ang showbiz legend at dating politician na si Ramon Revilla Sr. ay binansagan noon bilang "Hari Ng Agimat" dahil sa kaniyang action roles na kadalasan ay gumagamit ng anting anting o agimat tulad ng pelikulang 'Nardong Putik: Kilabot Ng Cavite' at 'Pepeng Agimat: Sa Daigdig Ng Kababalaghan.'

2 of 13

Bong Revilla

Nagsimulang gumanap sa mga pelikula si Bong Revilla noong 1980s at bumida rin siya sa ilang Kapuso shows gaya ng 'Idol Ko Si Kap,' 'Kap's Amazing Stories,' at 'Indio.'

3 of 13

Marlon Bautista

Dating child actor ang anak ni Ramon na si Marlon Bautista. Nagsilbing direktor rin si Marlon sa mga pelikulang 'APO: Kingpin ng Maynila' at 'Bertud Ng Putik.'

advertisement
4 of 13

Rowena Bautista-Mendiola

Mula sa pagiging child actress, naging film producer rin ang anak ni Ramon na si Rowena Bautista-Mendiola. Ilan sa mga pelikulang kaniyang na-produce ay ang 'Kilabot at Kembot,' at 'Si Agimat at si Enteng Kabisote.'

5 of 13

Andrea Bautista-Ynares

Gaya ng kaniyang Ate Rowena, naging child star at film producer din si Andrea Ynares sa screen name na Andrea Bautista.

6 of 13

Princess Revilla

Bumida ang nakababatang kapatid ni Bong na si Princess Revilla sa "Jessa: Blusang Itim 2" kasama sina Gabby Concepcion at Cherie Gil.

advertisement
7 of 13

Ram Revilla

Anak ni Ramon Revilla Sr. at Genelyn Magsaysay ang young actor na si Ramgen Bautista na mas kilala sa screen name niyang Ram Revilla. Pumanaw si Ram noong taong 2011 nang pasukin ng armadong lalaki ang kaniyang bahay.

8 of 13

Bryan Revilla

Napanood ang anak ni Bong na si Bryan Revilla sa mga Kapuso shows na 'Click' at 'Mulawin.' Noong 2018 ay bumida siya sa kaniyang self-produced film na "Tres" kasama ang mga kapatid niyang sina Jolo at Luigi Revilla.

9 of 13

Inah Revilla

Dalawang beses na gumanap bilang mag-ama sina Bong at Inah Revilla sa pelikulang "Yes Darling: Walang Matigas na Pulis 2" at "Kapag Tumibok Ang Puso: Not Once, But Twice."

advertisement
10 of 13

Jolo Revilla

Gaya ng kaniyang kapatid na si Bryan, naging parte rin si Jolo Revilla ng cast ng 'Click.' Napanood rin si Jolo sa 'Idol Ko Si Kap,' 'Totoy Bato,' at 'Indio.'

11 of 13

Gianna Revilla

Napanood sa 2012 teen-oriented Kapuso series na 'Teen Gen' ang anak ni Bong na si Gianna Revilla.

12 of 13

Ramboy Revilla

Naging host si Ramboy Revilla sa 'Kap's Amazing Stories Kids Edition' kasama si Jayda Avanzado.

advertisement
13 of 13

Luigi Revilla

Napanood si Luigi sa mga Kapuso series na 'Koreana,' 'Magic Palayok,' at 'Once Upon A Kiss.' Kasama rin niya ang mga kapatid niyang sina Bryan at Jolo sa pelikulang 'Tres.'