Officially proud mommy of two na ang actress-host na si Pauleen Luna dahil isinilang niya na ang second baby nila ni Vic Sotto na si Thia Marceline Sotto a.k.a. Mochi.
Sa Instagram ngayong Huwebes, January 25, nag-post si Pauleen ng mga unang larawan ni Mochi na agad na pinusuan ng maraming netizens.
“Thia Marceline Sotto aka Mochi. January 23, 2024. 8.2 lbs,” simpleng caption ni Pauleen sa kanyang post.
Maraming celebrities din ang nag-welcome kay Mochi at nagpahatid ng pagbati kina Pauleen at Vic sa comments section ng post, kabilang na ang Kapuso stars na sina Rocco Nacino at Carla Abellana.
“Oh my goodness! Congratulations!” pagbati ni Carla.
Silipin ang first baby photos ni Baby Mochi, DITO:
Ipinanganak ni Pauleen Luna ang second daughter nila ni Vic Sotto na si Thia Marceline nitong January 23, 2024.
Base sa post ni Pauleen Luna, may timbang na 8.2 lbs si Thia Marceline a.k.a. Mochi nang siya ay isilang.
Marami naman ang cute na cute sa mga larawan ni Baby Mochi na in-upload ni Pauleen Luna. “Super cute! Congratulations, Bossing and Poleng!” comment ni Aubrey Carampel sa Instagram post ni Pauleen.
Si Baby Mochi na ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya at ng Sotto clan.
Nakuhanan din ng larawan ni Pauleen Luna ang kanyang panganay na si Tali habang nilalaro ang kanyang bunsong kapatid na si Baby Mochi.
Welcome to the world, Baby Mochi!