Showbiz News

WATCH: Nadine Samonte, umiinom ng mahigit 50 tablets a day para kumapit ang kaniyang baby

By AEDRIANNE ACAR

Masaya ang dating StarStruck finalist na si Nadine Samonte sa buhay niya na malayo sa kontrobersiya ng showbiz.

Sa panayam sa kaniya ng Pinoy MD, nagkuwento ito kung gaano siya kasaya kapiling ang kaniyang asawa na si Richard Chua na anak ng veteran actress na si Isabel Rivas.

Ikinasal si Nadine sa kaniyang businessman husband noong 2013.

Ani Nadine, “Nung debut ko nga hindi ko naramdaman na nag-debut ako eh. Kasi parang sobrang daming cameras, sobrang gulo. Hindi kapag katulad ‘yung kasal namin it’s very solemn. 'Yung ramdam na ramdam mo na hindi ka nagti-taping mas better 'tsaka less issue, mas tahimik, hindi pinagpi-piyestahan ‘yung buhay mo.”

Nagkuwento rin si Nadine sa naranasan niyang hirap habang ipinagbubuntis ang kaniyang baby girl na si Heather Sloane.

Hindi naging madali para sa former actress ang kaniyang pregnancy matapos siyang ma-diagnose ng Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).

Ito ay isang uri ng autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ng isang taong ang kaniyang sarili.

“Nagulat lang kami on the process na kami nang paggagawa ng baby dun ko na nalaman I have APAS. Nag-series of blood test kami then ‘yun nga naging positive ako sa category 1, 2, and 4. So ‘yung 3 and 5 negative.”  

“Mayroon akong two times injections a day tapos I’m drinking 53 to 56 tablets a day lahat ng pampakapit, lahat ng vitamins, minerals, calcium para sa anak ko.”

Kaya ganun na lang ang tuwa na naramdaman ni Nadine matapos maipanganak si Heather noong August 27, 2016.

Dagdag niya, sulit daw ang lahat ng hirap na naranasan niya nang makita ang kaniyang anak.

“Sobrang worth it talaga. Totoo ‘yung sinasabi nila na kahit gaano kahirap na naramdaman mo paglabas naman ng anak mo iba, parang nawala lahat ng hirap. Kahit nandiyan siya every time na gigising kami ng husband ko sa umaga, lagi kong sinasabi dun sa husband ko na parang hindi pa rin ako naniniwala, parang hindi totoo ito ‘yung ganun so iba ‘yung saya.”


Video courtesy of GMA Public Affairs 

 

 

MORE ON NADINE SAMONTE:

 

 

LOOK: Nadine Samonte's baby shower for Heather Sloane

LOOK: Nadine Samonte is a goddess mommy

Photos by: @nadinesamonte(IG)