Showbiz News

StarStruck alumna Iwa Moto at actress Jodi Sta. Maria, suportado ang isa't isa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak

By OWEN ALCARAZ

Napakaganda ng samahan nina Iwa Moto at Jodi Sta. Maria base sa mga social media posts ng dalawa. 

Si Jodi ay ang dating asawa ni Pampi Lacson. Nagkaroon sila ng isang anak, si Thirdy. Si Iwa naman ay ang current girlfriend ni Pampi at mayroon na rin silang isang anak, si Hiromi Eve o Mimi.

Sa kabila ng history ng dalawang aktres, hindi naman ito naging hadlang para maging magkaibigan sila at magkaroon ng magandang relasyon, pati na rin ang kanilang mga anak.

Ngayong araw, May 27, muli na namang  pinatunayan ng dalawa na all is well between them nang mag-post sila ng larawan kasama ang kani-kanilang mga anak. Kuha ang larawan sa school basketball game ni Thirdy sa La Salle. 

Sulat ni Iwa:"Kuya muy's cheering squad. Hihi. Congrats to his entire team for winning the game today."

Maging si Jodi ay masaya din sa pagkakataon: "Happy to be able to show our love and support to our dearest Muyski. Congratulations, La Salle for winning the semis. Pray for us as we go against another team on Sunday for the finals. The boys were great. So proud of you Muy. So proud of Team La Salle! Animo! 

Samantala, maraming netizen naman ang natuwa sa kanilang nakita.

 

 

Keep up the good job, Mommies!