Showbiz News

WATCH: Joel Cruz, hiling na magkaroon ng isa pang set of twins

By Cherry Sun

Isa pang set of twins ang hiling ng businessman na si Joel Cruz.
 
Ibinahagi ng tinaguriang Lord of Scents na nag-e-expect pa siyang masundan ang tatlong pares ng kambal niyang mga anak.
 
Aniya, “We still have one last program din sa Russia. I’m hoping and praying also na that’s gonna be a twin again.”
 
Si Joel ay nakapanayam ng 24 Oras sa enggrandeng fifth birthday celebration ng panganay niyang kambal na sina Prince at Princess. Magarbo man ang party na may mahigit 1,000 guests, simple naman ang wish niya para sa kanyang mga anak.
 
Wika ni Joel, “I hope little by little ‘no ma-realize din nila kung ano talaga ‘yung pagkatao ng kanilang ama, na isang gay. ‘Yung ganun. Sana makita ko rin sa kanila, maturo ko rin sa kanila ‘yung ganung values na magmahalan din sila. Kagaya ko na kung paano ako magmahal sa magulang ko, sana ganoon din sila magmahal sa akin.”
 
Dagdag din niya, susuportahan niya ang mga ito kung sakaling naisin nilang pumasok sa showbiz.
 
“Kung gusto talaga nila, walang problema sa akin kung talagang gusto nila. Nasa puso nila ‘yung talagang maging celebrity sila, ganun. I’ll support them,” pahayag ng Lord of Scents.

Video courtesy of GMA News

Photos by: thelordofscents(IG)