Showbiz News

LOOK: Marvin Agustin posts throwback family photo

By Jansen Ramos

Sentimental ang Kambal, Karibal star na si Marvin Agustin sa kanyang recent Instagram post. Kalakip nito ang kanyang throwback photo kasama ang kanyang kambal na sina Santiago at Sebastian, at ang ina ng mga ito na si Tetet Dy.

IN PHOTOS: Marvin Agustin's twins are all grown up!


Saad niya, "Ang buhay ay patuloy lang na aandar... walang hihintayin kahit sino... very important to live our lives with no regrets, no holding back, fighting and believing that we can do anything and everything... be the happiest always but responsible with our own actions and dreams. Masarap ang buhay kung gagawin mong masaya."

Hindi man magkasama ngayon sa iisang bubong sina Marvin at Tetet, nananatili pa rin silang magkaibigan para sa kanilang mga anak. Ikinasal si Tetet sa abogadong si Dino Tanjuatco noong 2016.