Showbiz News

WATCH: Iya Villania, ibinahagi ang pangalang napili para sa second baby

By Marah Ruiz

August nakatakdang manganak si Kapuso actress and host Iya Villania.

Ito ang second baby nila ng asawa at kapwa Kapuso host na si Drew Arellano.

Ayon kay Iya, may napili na raw silang pangalan para sa kanilang parating na baby boy. 

"Alonzo Leon Arellano. Alam mo naman sa pamilya ni Drew, kailangan 'A' 'yung start ng first name. That's why we were actually having a hard time looking for a name starting with 'A' na gusto namin," kuwento ni Iya. 

Samantala, sinusubukan naman nilang mag-asawa na ipaintindi sa kanilang panganay na si Primo na magkakaroon ng addition sa kanilang pamilya. 

"He doesn't quite understand yet. but unti-unti namin siyang bini-brief na magkakaroon siya ng little brother, baby brother," aniya. 

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para as 24 Oras

Video courtesy of GMA News