Showbiz News

WATCH: Kim Rodriguez, naging emosyonal nang pag-usapan ang kanyang pamilya

By Gia Allana Soriano

Sa interview ni Kim Rodriguez para sa Tunay Na Buhay, naikuwento ng aktres sa host na si Rhea Santos na bata pa lang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang. Ikinuwento rin niya ang relationship niya with her mom and her dad.

 

Aniya, "Kasi po, before parang natatakot po ako sa daddy ko kapag pumupunta siya ng bahay [pagkatapos maghiwalay ng mga magulang ko]. So ako, nagtatago po ako nung bata ako. So, hindi ko po na-try na magkasama silang dalawa. ['Yung] paggising ko andyan silang dalawa, hindi po."

Paliwanag din niya na may happy memories naman siya with her parents ngunit hindi niya naranasan na "paggising [niya] nanjan silang dalawa [para] asikasuhin [siya]."

 

Mas close ang aktres sa mommy at lola niya, ngunit nagtrabaho ang mommy niya abroad.

Ika niya, "Naiintindihan ko naman po. Pero nung bata ako, [naiisip ko] bakit siya umalis. Marami pong tanong. Nung malaki na ako nasagot ko na [na] kailangan niya umalis para sa akin."

Dagdag pa niya, "Lola ko [ang] katabi ko before [noong bata ako,] tapos yayakapin ko siya."

Pumanaw ang kanyang lola noong 2009 na sadya naman ikinalungkot ng aktres. Pag-alala niya, "Masaya na ako pagsabay na kami nagdi-dinner, kasi kaming dalawa lang sa bahay. Minsan siya lang nagluluto. Tapos nung na-stroke po siya parang ako na po 'yung nag-aasikaso sa kanya. Nagpapalit ng diaper niya, mga ganun."

 

Lola rin daw niya ang nangarap na maging artista siya, kaya naman todo tyaga rin si Kim noong nagsisimula siya sa showbiz. From extra, to lead star, at ngayon ay isa na sa mga promising stars ng Kapuso network. May gusto pa bang gawin si Kim na role or genre?

Saad niya, "Gusto ko naman po 'yung action i-try."

Panoorin ang episode highlight ng Tunay Na Buhay: