Showbiz News

LOOK: Regine Velasquez-Alcasid, ibinahagi ang ginawa ni Nate nang maka-experience ng nightmare

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid ang hirap na kanyang naramdaman nang nakaranas ng bangungot ang kanyang anak na si Nate.

Ayon kay Regine, wala siya sa tabi ni Nate nang mangyari ito, "Last night he had a nightmare nagising siya tapos umiyak. I was still on the road so he called me crying. Buti na lang malapit na ako. I don't like it when he's crying and I'm not there lalu na kung from a nightmare. Hindi kasi iyakin ang anak ko kaya pag naiyak ang hirap."

Dagdag pa ng Asia's Songbird ay naghintay umano si Nate para lamang mayakap siya sa kanyang pagtulog.

"Anyway hindi siya talaga natulog hanggang makarating ako he waited till I was able to clean up myself then saka pa lang nakatulog at nagpaakap talaga siya sa 'kin."

Dahil sa lambing ng kanyang anak ay inilahad ni Regine ang kanyang munting hiling mula sa kanyang unico hijo. Aniya, "Hay sana kahit malaki ka na kailanganin mo pa rin ako. #kwentongnanay #myBoo"