Showbiz News

WATCH: Rica Peralejo, may mommy advice para maalagaan nang husto ang anak

By Bea Rodriguez

Natatandaan n'yo pa ba ang dating child at teen star noong '90s na si Rica Peralejo? Isa siya sa mga sikat na artista ng kanyang henerasyon.

Mula nang mag-asawa at magkaroon ng pamilya ang dating aktres, nilisan na niya ang showbiz at pinili ang tahimik na buhay.

Ngayon, pasulpot-sulpot na lang ang kanyang mga roles sa telebisyon pero madalas naman siyang naga-upload ng videos sa YouTube.


Prayoridad ng 37-year-old mommy ang kanyang growing baby boy na si Phillip Nathaniel Bonifacio na madalas niyang ka-bonding.

“It's a joy, lalo na kapag hands-on mom ka kasi nakikita mo 'yung bawat step na parang feeling ko, hindi ko ikasisisi kapag matanda na ako na nakita ko lahat na nangyari sa kanya.”

May pabaon naman ang vlogger mom sa kanyang mga kapwa mommies.

“Your child is gifted with a certain kind of personality so iwasan natin 'yung tendency na ikukumpara natin siya sa bawat batang nakikita natin sa labas. Instead, focus on your child. Look at your child, and see the beauty and the gift your child is to you.”

Video courtesy of GMA News