Showbiz News

READ: Macky Mathay, nakatanggap ng sweet birthday messages mula sa mga anak ni Sunshine Cruz

By Aedrianne Acar

Naging extra special ang birthday ng boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay dahil sa natanggap niyang heartwarming messages mula sa tatlong anak ng kanyang girlfriend.

Sunshine Cruz thanks Macky Mathay on her birthday message for him

Sa Instagram post ni Macky, ipinakita niya ang birthday messages ng tinatawag niyang 'angels.'

Ayon sa mensahe ni Angelina Isabele, nagpapasalamat siya na dumating sa buhay nila si Tito Macky.

Saad niya, “Happy Birthday to this amazing person, who has been nothing but kind and genuine to the three of us and mom. We are so thankful to have you! Love you always!”

Overwhelmend naman si Macky sa mga natanggap na sweet post mula sa mga anak ng Kapag Nahati Ang Puso actress.

“I am so grateful beyond words that aside from the three angels that I already have in @roanmathay @colemathay and @babycharlizemathay , He blessed me again with three more angels in @angelinaisabele @samantha_montano and @chesca.montano !”


Matatandaan na ipinawalang bisa ng korte noong September 18 ang kasal ni Sunshine sa kaniyang husband na si Cesar Montano.

May tatlo silang anak ng former action star na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Franchesca.

Samantala, si Macky ay may tatlong anak din sa kanyang estranged wife na si Camille Farinas, sina Roan, Cole, at Charlize.