advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Celebrities and their adopted children

1 of 18

Sotto family

Ang panganay ng mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa na si Kristian Daniel o Kiel ay in-adopt ni Kristine bago pa sila magpakasal noong January 2011. Noong una ay Orille ang gamit na apelyido ni Kiel, ang tunay apelyido ni Kristine sa pagkadalaga. Kapansin-pansin din ang pagkakahawig ni Kiel kung kaya't hindi agad iisipin ng makakakita na ampon ang bata.

2 of 18

Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto's Kiel

Unang lumabas ang balita ng pag-ampon ni Kristine Hermosa sa isang interview kay Dina Bonnevie, ang ina ng kanyang asawang si Oyo Sotto at siya na ngayong mother-in-law ni Kristine. Ayon sa mga ulat, isang araw, umuwi na lang si Kristine at sinabi kay Oyo na meron itong inampon na sanggol. Binigay raw ang bata kay Kristine ng Victory Christian Fellowship kung saan siya miyembro.

3 of 18

Christopher de Leon and Nora Aunor

Si Christopher "Boyet" de Leon  at Nora "Ate Guy" Aunor ay ikinasal noong Jan. 25, 1975 sa isang civil ceremony. Bagamat biniyayaan ng isang biological na anak, ang aktor na si Ian Kristoffer de Leon, mayroong dalawang adopted daughters si Boyet at Nora na sina Lotlot at Matet de Leon. May dalawa pang adopted sons ang mag-asawa, sina Kiko at Kenneth (not in photo).

advertisement
4 of 18

Lotlot and Matet de Leon

Dumating si Lotlot de Leon sa buhay ng Superstar na si Nora Aunor bago ito ikinasal sa aktor na si Christopher "Boyet" de Leon noong 1975. Sa taon din na 'yon, December 11, isinilang ni Nora ang anak nila ni Boyet na si Ian Kristoffer de Leon. Samantala, si Matet de Leon ay dinala kay Nora ng kanyang yumaong ina na si Antonia Cabaltera o mas kilala sa tawag na Manay Tunying. Agad nahulog ang loob ni Nora sa sanggol na agad niyang binigyan ng palayaw na Matet. Ang buong pangalan ni Matet ay Maria Teresa. Makalipas ang ilang taon ay sumunod namang inampon ng pamilya De Leon sina Kiko at Kenneth. Sa larawang ito na kuha noong 2018, magkakasama ang magkakapatid pati na rin ang kani-kanilang mga asawa at anak.

5 of 18

Federico and German Moreno

Hindi kaila sa mundo ng showbiz na may adopted son ang yumaong Master Showman na si German Moreno at ito ay si Federico. Kahit limitado ang impormasyon patungkol sa pag-aampon ni "Kuya Germs," public knowledge naman na napangasawa ni Federico si Sheila Magdayao, ang kapatid ng mga artistang sina Vina Morales (Sharon Magdayao sa tunay na buhay) at Shaina Magdayao.

6 of 18

Kuya Germs' grandchildren

Mayroong apat na apo si German "Kuya Germs" Moreno kay Federico - sina Jorel, Franshesca, Gabby, at Raffy. Ang apo ni Kuya Germs na si Gabby or Luis Gabriel ay isang archer at itinanghal na Youth Olympics Gold Medalist noong 2014

advertisement
7 of 18

Judy Ann Santos and Yohan

Single pa lang si Judy Ann Santos nang i-adopt niya si Yohan. Sa isang interview, sinabi ng aktres gusto niya raw talagang magkaroon ng anak at 26 years old. Pakiramdam kasi ng dalaga noong mga panahon na 'yon ay matured na siya para magkaroon ng sariling baby. Hindi naging opisyal ang adoption ni Yohan until nag-dalawang taon ang bata. Si Judy Ann naman ay 28 years old na by that time.

8 of 18

Ryan and Yohan Agoncillo

Nang ikasal ang aktres na si Judy Ann Santos at actor-host na si Ryan Agoncillo noong April 28, 2009, in-adopt ni Ryan si Yohan upang maging ganap na Agoncillo ito at maituring na isang legitimate child ng mag-asawa. Naging opisyal at legal ang adoption papers ni Yohan bilang Agoncillo noong 2014. Ngunit bago pa man naging pinal ang lahat, tumayong ama ni Yohan si Ryan simula pa nang maging parte siya ng buhay ni Judy Ann bilang nobyo nito.

9 of 18

Claudine and Raymart

Inampon nina Claudine Barretto at Raymart Santiago si Sabina Natasha noong sila'y mag-asawa pa. May biological child din ang mag-asawa na pinangalanan nilang Rodrigo Santino. Nang maghiwalay sina Claudine Barretto at Raymart Santiago noong 2013, nag-file ng sole custody case si Raymart na pinawalang bisa ng korte noong March 2015.

advertisement
10 of 18

Sabina Santiago

Likas na mahilig si Claudine sa mga bata bunsod marahil ng pagiging bunso niya sa kanilang pitong magkakapatid. Hindi rin miminsang binuksan ni Claudine ang kanyang tahanan upang maging half-way home para sa mga rescued infants sa pakikipagtulungan sa isang non-government organization. Isa sa mga pangarap ni Claudine ay makapagpatayo ng orphanage. Bukas din sa ideya ng muling pag-aampon si Claudine.

11 of 18

Claudine Barretto

Bukod kay Sabina, in-adopt naman ng dramatic actress ang two-year-old na si Quia noong 2017. Noong i-post ni Claudine ang kanyang bagong adopted daughter, nilait kaagad ng isang netizen ang kanyang baby girl. Dinipensahan ng celebrity mom ang kanyang Baby Quia mula sa basher.

12 of 18

Nicole and Dolphy Quizon

Si Nicole Quizon ay in-adopt ni Comedy King na si Dolphy noong 1990. Sanggol pa lang si Nicole nang kupkupin ito ni Dolphy mula sa mag-asawang hikahos sa buhay at kaagapay niyang nagpalaki sa bata ang common-law partner niya noon na si Zsa Zsa Padilla. Kahit ampon si Nicole, lumalabas na siya lang ang nag-iisang legitimate child sa 18 anak ni Dolphy.

advertisement
13 of 18

Zsa Zsa Padilla and kids

Bagamat hindi nalinya sa showbiz si Nicole Quizon (second from left) kagaya ng mga kinilala niyang magulang na sina Dolphy at Zsa Zsa Padilla (leftmost), lumaking malapit pa rin ang dalaga sa mga kapatid niyang sina Karylle Tatlonghari (third from left), anak ni Zsa Zsa sa una nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari, at kay Zia Quizon (rightmost) na anak naman ni Zsa Zsa sa yumaong Philippine Comedy King na si Dolphy.

15 of 18

Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan

Noong 2012, nagdaos ng malaking birthday celebration sina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan para ipakilala sa publiko ang kanilang adopted son na si Miguel na legally ay Cuneta-Pangilinan na. Star-studded ang mga ninong at ninang ni Miguel tulad nina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Ciara Sotto, Manny at Jinkee Pacquiao.

16 of 18

Aiai Delas Alas

Malaki talaga ang puso ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas. Matatandaang noong 2011 ay may kinupkop na baby boy si Aiai na nagngangalang Seth Andre. "Answered prayer" umano si Seth pagkatapos mamatay ang dalawang una niyang in-adopt.

advertisement
17 of 18

Zeinab Harake

Proud mommy ang 22-year-old YouTuber na si Zeinab Harake sa kanyang adopted son na si Lucas.

18 of 18

Lucas

Sa vlog ni Zeinab noong September 2020, nagkuwento siya ng ilang detalye sa kanyang anak. Saad ng vlogger, “And may adopted child ako, sa mga wala pang totally nakakaalam info about sa akin. Si Lucas 'yun 'yung adopted child ko. Sa papers and everything, sa akin nakapangalan. So, ako po 'yung mother niya talaga, so na kay mama lang siya kasi 'yung mama ko mag-isa sa Cavite, gusto niya ng makakasama.”

advertisement