Showbiz News

Tirso and Lynn Cruz post heartwarming messages for late son TJ Cruz

By Nherz Almo

Isang mensahe ng pagmamahal para sa yumaong si TJ Cruz ang inihayag ng bawat miyembro ng pamilya Cruz sa kani-kanilang social media account.

Matapos i-cremate ang dating young star na si TJ kahapon, November 25, damang-dama pa rin ang lubos na pagluluksa ng kaniyang mga naulila--ang kaniyang mga magulang na sina Tirso Cruz III at Lynn Cruz, at mga kapatid na sina Bodie at Djanin Cruz.

Sa pamamagitan ng Instagram kaninang umaga, November 26, nag-post ang batikang aktor na si Tirso ng mensahe para sa anak, na pumanaw dahil sa lymphatic cancer sa edad na 37.

Sabi ni Tirso, “Good heavenly morning, TJ! Missing you so much. We love you.”

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng asawa ni Tirso na si Lynn ang larawan ng buwan na kuha niya kagabi habang pauwi galing sa cremation ng kanilang anak na si TJ.

Sa caption, isinulat ni Lynn, “This was the moon last night as we were about to go home with my son's urn after he was cremated.

“Thank you for the assurance Lord that TJ is with you in heaven!

“First time to see the moon na merong clouds na nakapalibot, shaped na parang there is an eye watching over us.

“Psalm 121:8 The Lord will watch over your coming and going both now and forevermore.”

Samantala, ibinahagi ng mga nakababatang kapatid ni TJ, na sina Bodie at Djanin, ang larawan nilang buong pamilya habang hawak-hawak ang urn na naglalaman ng abo ng pumanaw nilang kuya.

Sabi ni Bodie sa kanyang captions sa Instagram, “We love you, Kuya. You will forever be in our hearts.”

Nagpasalamat din siya sa mga taong nakiramay sa kanilang pamilya.

“Thank you to everyone who prayed for our family this season.

“We thank God for the life of my brother and we will continue to worship Him for He is always good and faithful.”

Isang bible verse, na akmang-akma sa pagkawala ni TJ, ang ibinahagi ni Djanin sa kaniyang caption: “To be absent from the body is to be at home with the Lord. 2 Corinthians 5:8 we love you kuya!”

Sa huling gabi ng lamay para kay TJ, ipinagdiwang ng kaniyang pamilya at mga kaibigan ang kaniyang naging buhay bago siya pumanaw sa pamamagitan ng pagsayaw.