advertisement
Showbiz News

Geneva Cruz and Paco Arespacochaga son, Heaven: Where is he now?

2 of 33

Heaven

How time flies! Binata na ang anak nina dating Smokey Mountain singer Geneva Cruz at former Introvoys drummer Paco Arespacochaga na si Heaven.

1 of 33

Heaven Arespacochaga

Si Heaven Arespacochaga ang anak ni Geneva Cruz sa kanyang dating asawa na si Paco Arespacochaga ng INTRoVOYS.

3 of 33

Body

Hot at sexy na ngayon si Heaven! Fit at matipuno ang kanyang pangangatawan katulad ng kanyang inang si Geneva Cruz. Pag-ehersisyo ang kanyang libangan at ito ay makikita sa kanyang social media videos.

advertisement
4 of 33

Drummer

It’s in the genes. Nakuha rin ni Heaven ang kanyang hilig sa musika mula sa kanyang mga magulang na parehong musically-inclined. Nagsimula raw siyang matuto mag-drums noong tatlong gulang pa lamang siya.

5 of 33

Singer

Hindi lang sa drums nahumaling si Heaven; kumakanta rin siya kagaya ng kanyang ina na dating sikat na singer noong '90s dahil sa iba't ibang hit tulad ng “Anak ng Pasig.”

6 of 33

Band

Sa katunayan, napabilang siya sa Mad Minute, isang bandang nabuo noong bagong taon ng 2014. Siya rin ang nagsilbing drummer ng grupo at nakapagtanghal na sila sa iba’t ibang bars at restaurants katulad ng House of Blues.

advertisement
7 of 33

Boys

Aminado ang binata na meron silang pinagdadaanan bilang isang grupo ngunit nagpapasalamat siya sa lahat ng kanilang mga taga-suporta. Saad niya, “I have every bit of faith in my boys. We're a band, we've gone through countless frustrations. All this undying support has been huge for us.”

8 of 33

Sports

Maliban sa musika, lumalahok rin siya sa sports katulad ng basketball at American football. Isa siyang fan ng Seattle Seahawks na lumalaban sa pinakasikat na sporting event sa Amerika, ang “Super Bowl.”

9 of 33

Graduation

Nakapagtapos si Heaven ng high school sa Herbert Hoover High School. Aniya, “On to the next stage in life. We have many, many years ahead of us Class of '14.” Ngayon ay kumukuha siya ng kursong Nursing sa Marian College of Nursing sa Los Angeles, California.

advertisement
10 of 33

Parents

Proud parents sina Paco Arespacochaga at Geneva Cruz, kasama ang dating boyfriend ng singer-actress na si KC Montero, sa kanilang panganay na anak. Lingid sa kaalaman ng karamihan, maayos ang kanilang pakikitungo sa isa't isa. Sa katunayan, magkakaibigan silang lahat.

11 of 33

Geneva

Sweet na sweet at malapit itong si Heaven sa kanyang ina. Pinatunayan ito ni Geneva sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, “Hearing your voice & looking at your face always bring light into my days. I'm so proud of you that it makes me proud of me. I hope you know that, son. I [love you].”

12 of 33

Cruz

Ito na ngayon sina Geneva at ang kanyang six-foot-tall son na si Heaven. Ibinahagi niya pa ang mga magagandang katangian ng panganay na anak, "I love my son. I love his individualism and creativity. He's an independent thinker, a hard worker [who is] full of kindness, and for the most part, [has] good judgment. I can't believe I really now have a 19-year old. I love it, and I love being a momma!"

advertisement
13 of 33

Siblings

Siya na mismo ang nag-aalaga sa nakakabatang kapatid na si London mula sa dating Filipino-Australian fiancé ni Geneva na si Lee Paulsen. Meron talaga siyang soft spot para sa kanyang limang kapatid, “I love all my siblings equally. Being a half-sibling or step-sibling does not matter in my book, because regardless, I will let them know that they can count on their older brother.”

14 of 33

Family

Malapit si Heaven sa kaniyang pamilya, lalong-lalo na sa kaniyang ina at yumaong lola.

15 of 33

Paco

Hindi naging hadlang ang paghihiwalay noon ng kanyang mga magulang dahil maayos pa rin ang kanyang relasyon sa amang si Paco, “[He] has stepped up during my teenage years from the time I started living with him at the age of 14.”

advertisement
18 of 33

Fathers

Hindi man naging perpekto ang pamilyang kinalakihan niya, nagpapasalamat pa rin si Heaven na naging dalawa ang kanyang kinikilalang ama. Aniya, “Living with divorced parents or parent isn't easy, but having dads that work as a team instead of who gets the glory as the father definitely helped a whole lot.”

19 of 33

Friends

Habang lumalaki, natutuwa raw siya sa mga bagong taong nakilala niya ngunit hindi niya pa rin nakakalimutan ang kanyang mga kaibigan noon. Ang litrato na ito ay kinunan nang nagtatrabaho pa siya sa isang restaurant bilang isang dietary aide kasama ang kanyang mga nakatrabaho, “I wanted you to know that you made an impact in who I am today.”

20 of 33

Sibling love

Close na close si Heaven sa bunsong kapatid na si London.

advertisement
21 of 33

Lunch date

Madalas din niyang i-lunch date ang ina at kapatid.

22 of 33

Thanksgiving 

Magkakasama sina Geneva, Heaven at London na nag-celebrate ng Thanksgiving noong 2018.

23 of 33

Three17

Sa ngayon ay isang budding independent rap artist ang anak nina Geneva at Paco na si Heaven Arespacochaga. Ayon sa kanyang ina, “Heaven is a great composer. Most of the time, siya yung gumagawa. He's a producer, arrangers, songwriter.”

advertisement
24 of 33

Siblings

Ibinahagi ng ama ni Heaven na si Paco na ang tattoo nito sa dibdib ay pangalan ng lahat ng kanyang kapatid.

25 of 33

LA life

Kasalukuyang nananatili si Heaven sa LA para i-pursue ang kanyang music career.

26 of 33

Son

Puno ng papuri ang mga magulang ni Heaven na sina Geneva at Paco dahil sa kanyang mga achievements.

advertisement
27 of 33

New Beginnings

Noong 2021, sa kaniyang birthday month, ini-release ni Heaven ang kaniyang bagong single na "New Beginnings."

28 of 33

Interview

Heaven also posts interviews with different people.

29 of 33

Dads

Heaven shared the relationship he had with his two fathers, Paco and KC.

"My dad and step dad's co-parenting skills were off the charts during the 2000s and 2010s!"

advertisement
30 of 33

Fit

Maraming humanga sa fit na pangangatawan ni Heaven Arespacochaga.

31 of 33

Kuya

Ilan sa kaniyang mga posts ay nagpapakita ng kaniyang pagiging sweet na kuya.

32 of 33

Music career

Sa Instagram account ni Heaven Arespacochaga, makikita ang kaniyang pagpupursige sa kaniyang music career.

advertisement
33 of 33

New single

Proud si Heaven sa milestones ng kaniyang bagong single na kinanta niya nang live sa Wish Bus USA.

34 of 33

Mama Marilyn

Kahit na malayo siya sa kaniyang pamilya sa Pilipinas, very close si Heaven sa kaniyang lola na tinatawag niyang “mama" kaya naman labis niyang ikinalungkot ang pagpanaw nito.

35 of 33

Work

Maliban sa pag-pursue ng kaniyang music career, abala rin si Heaven sa kaniyang trabaho bilang direct sales agent sa isang automobile services company. May degree rin siya sa nursing.

advertisement