Showbiz News

EXCLUSIVE: Direk Laurice Guillen, nakatanggap ng early Mother's Day gift

By Aedrianne Acar

Taas noo na ipinagmamalaki ni Kapuso actress Ina Feleo ang natanggap na parangal ng kaniyang ina na si Direk Laurice Guillen sa 2019 FAMAS Awards night.

Direk Laurice Guillen & Ina Feleo

Bianca Umali, Ali Sotto and Laurice Guillen recognized at the 2019 Famas Awards night

Isa ang Kapuso director sa tatlong pinarangalan ng Lifetime Achievement Award.

Sa exclusive na panayam ng GMANetwork.com kay Ina sa shooting ng pelikula na Family History, sinabi niya na isang advance Mother's Day gift ang award na nakamit ng kaniyang magulang.

Dagdga niya, “Every time na may naga-acknowledge or nagbibigay pugay masarap sa pakiramdam ko kasi nga feeling ko they deserve it.

“Especially si Mommy. Hindi naman siya kilala ng maraming tao, kahit noong artista siya hindi siya 'yung maraming fans, hindi siya 'yung idol 'di ba?

“But consistently she had her own fans dahil may respeto sila sa kaniya.”

Natutuwa rin si Ina na kinilala ng FAMAS ang naging kontribusyon ng kaniyang Mommy Laurice sa industriya sa mahabang panahon ng kaniyang career.

Aniya, “Like 'yung award na 'yun deserve niya kasi it's not just one work, but it's the whole body of her work lifetime achievement kumbaga.

“Itong mga babaeng ito talagang they went the extra mile na mai-share kung ano man 'yung talent nila. Hindi sila na-satisfy ever.”

Proud din ang Family History actress sa naging papel ng kaniyang ina sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na sinimulan noong 2005.

“Tapos like when she did Cinemalaya, talagang proud ako dun kasi it started out ang konti-konti pa lamang ng mga tao.”

“At that time na para bang sinasbai nila “the cinema is dead,” tapos naging influencer siya to revive the cinema na kung tingnan mo ngayon talagang isa na lang 'yung Cinemalaya sa sobrang daming festival, sobrang daming pelikula na nagagawa.”