Showbiz News

READ: Santino Rosales, walang planong maging katulad ng amang si Jericho Rosales

By Aedrianne Acar

Diretsahang sinagot ni Santino Rosales, anak ng award-winning actor na si Jericho Rosales, ang tanong kung may plano siyang sundan ang yapak ng ama na maging artista.

Ayon sa football player/model, mas gusto niya pagtuunan ng pansin ang pagnenegosyo.

“Ideally, I wanna be able to be a big player in the business scene and hopefully continue modelling and football.”

Kasalukuyang nag-aaral si Santino sa Dela Salle University at kumukuha ng kurso na Interdisciplinary Business Studies.

Anak ni Jericho si Santino sa dati niyang partner na si Kai Palomares.

LOOK: The pogi home of 1996 Mr. Pogi Jericho Rosales