Showbiz News

WATCH: Pamilya ni Eddie Garcia, walang balak tanggalin ang life support ng beteranong aktor

By Cara Emmeline Garcia

Patuloy na lumalaban ang beteranong aktor na si Eddie “Manoy” Garcia.

Eddie Garcia

'Yan ang pahayag ng tagapagsalita ng pamilya ni Garcia na si Dr. Tony Rebosa.

Aniya, “Just like in the movies, Mr. [Eddie] Garcia has been valiantly fighting for his life.

“Any other lesser soul or mortal would have been a goner a long, long time ago considering that he is ninety years old.”

Sa latest medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center, nasa kritikal na kondisyon pa rin ang aktor. Dito, isinaad na nananatiling nasa comatose pa rin siya at sinusuportahan lamang ng ventilator at mga gamot ang kaniyang blood pressure.

Nilinaw din ni Rebosa na walang balak tanggalin ang life support ni Garcia.

“As of the moment, wala pang desisyon [ang pamilya niya]. Pero definitely, they don't want to let go,” pahayag niya.

“Lilibeth [Romero] is, of course, putting a brave face but deep inside I know ngiti-ngiti, paiyak-iyak. Pero support ng family niya ay nandun.

“Let's also pray for Lilibeth kasi talagang devastated siya.”

Dagdag pa ng doktor, kung sakaling magising man ang nobenta anyos na si Garcia ay magiging quadriplectic ang kahahantungan niya.

“You are paralyzed from the neck down.

“Well, if he does survive 'yun 'yung magiging consequence niya kasi matindi talaga 'yung naging pinsala sa neck niya.”

Patuloy na humihingi ng panalangin ang pamilya para sa beteranong aktor at nagpapaabot ng pasasalamat sa lahat ng nagpapakita sa kanila ng pagmamahal at suporta.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:

READ: Celebrities request prayers for the speedy recovery of Eddie Garcia

WATCH: Senator Grace Poe on Eddie Garcia, “Walang Fernado Poe Jr. kung walang Eddie Garcia”