Showbiz News

WATCH: Shaira Diaz, inaming may tampo sa ama

By Jansen Ramos

Masayahin at palangiti si Shaira Diaz sa telebisyon pero, lingid sa kaalaman ng marami, may personal na problema pa lang pinagdaraanan ang aktres.

Shaira Diaz

Aminado ang Love You Two actress na hindi perpekto ang kanyang pamilya lalo na noong sumakabilang-bahay ang kanyang amang seaman.

"Yung dad ko, 'di ko alam kung mid-life crisis, basta ayon meron na siyang iba," bahagi niya sa panayam ng Tunay Na Buhay.

Nakaka-usap pa ba niya ang kanyang ama?

Sagot ni Shaira, "Hindi."

Dugtong niya, "Siguro ang pinaka-nakaka-usap niya lang is 'yung kuya ko, ka-text nya.

"Kasi ako may tampo, may galit, may sama ng loob."

Mahirap magtanim ng sama ng loob pero, ani Shaira, idinadaan na lang niya sa panalangin ang dagok na ito sa kanyang buhay.

"Gabi-gabi bago ako matulog, humihingi ako ng tawad kay God.

"Sabi ko, "Lord, alam ko pong masama pero sorry hindi ko pa rin po kaya.

"Hindi ko maiiwasan na may sama pa rin ako ng loob sa tatay ko.""

Kahit na may personal na pinagdaraanan si Shaira, hindi naman daw niya hinahayaang mabawasan ang kanyang fighting spirit pagdating sa kanyang life goals.

Panoorin ang buong panayam sa Tunay Na Buhay:

WATCH: Shaira Diaz, todo-kayod bilang breadwinner ng pamilya

WATCH: Shaira Diaz, naranasang magbenta ng yema sa eskuwelahan para makatulong sa pamilya