Showbiz News

WATCH: LJ Reyes at Paolo Contis, isinama si Baby Summer sa folio shoot ng GMA Artist Center

By Cara Emmeline Garcia

The folio shoot must go on para sa Kapuso couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis kahapon, July 9.

LJ Reyes and Baby Summer

Dahil walang yaya for the day si Baby Summer, naghalinhinan ang dalawang aktor sa pag-aalaga nito.

Sa ulat ni 24 Oras reporter Nelson Canlas, kitang-kitang hands-on sina LJ at Paolo sa pagkalinga sa anak at pagpapalit ng diapers nito habang glammed up sa shoot.

Ayon sa dalawa, isang magandang pagkakataon ito upang ma-build ang kanilang teamwork kaya okay naman sa kanilang dalawa na dalhin ang anak kahit nagtatrabaho.

Saad ni Paolo, “Mas nabi-build yung teamwork [namin] regardless kung saan 'yung shoot.

“First time namin na gawin 'to na talagang kaming dalawa lang.”

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

WATCH: Paolo Contis may plano nang pakasalan si LJ Reyes?

IN PHOTOS: The beautiful family of LJ Reyes and Paolo Contis