Showbiz News

Gretchen Barretto at Claudine Barretto, bakit 'di nagsasama kahit bati na?

By Cara Emmeline Garcia

“I'm jealous!”

Gretchen Barretto at Claudine Barretto

Ito ang sambit ng actress na si Gretchen Barretto sa kanyang kapatid na si Claudine Barretto pagkatapos nito mag-post ng isang picture kasama ang kapatid nilang si JJ at ang ina nito na si Mommy Estrella.

Ani pa ng 41-year-old actress, “[You're] bonding without me. Missing you loads and loads.”

Kaya naman ang tanong ng isang netizen, bakit hindi kasama si Greta sa selebrasyon ng mag-iina.

Sagot ng aktres, “We refuse to show photos of us together so we do not allow anyone to make negative comments.

“We all wish to have a peaceful life. If you noticed, I do not post much of my personal life.”

Maaalalang nabalitaan noong nakaraang taon na nagkasakitan sina Claudine at ang kapatid nitong si Marjorie sa burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto.

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Claudine, ipinaliwanag ni Claudine na hindi siya ang nagsimula ng away sa pagitan nilang magkakapatid nang gabing iyon.

Aniya, “First of all, hinding-hindi ko magagawa 'yun sa harap ng Presidente o kahit sinomang mas nakakatanda na nirerespeto ko.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakayusan ang pamilyang Barretto.

IN PHOTOS: Timeline of the Barretto family feud

Claudine weighs in on two Julias

Sa isa pang post ni Claudine sa Instagram kasama ang kanyang ina, hindi niya itinanggi na may galit pa rin na namumuot sa kanya at ang pamangkin nito na si Julia Barretto--ang anak ng kanyang kapatid na si Marjorie.


Ani ng isang netizen, “Miss Claudine, sino ang mas magaling umarte as an actress: si Julia Barretto o si Julia Montes?”

Walang takot na sagot ni Claudine: “Julia Montes of course.”

Agad itong tinanong ng isa pang netizen kung biased lang raw ba si Claudine sa pagpili kay Julia Montes kaysa kay Julia Barretto.

Sagot ni Claudine, “Sweetheart, both.”

Iba-iba ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa isyu.

May ilang sumasang-ayon sa aktres habang ang ilan naman ay dismayado sa pagkaprangka ni Claudine na tila'y naghahanap daw ito ng gulo.

Hanggang ngayon, wala pa ring pahayag si Julia Barretto tungkol sa isyu.

Gretchen Barretto has new accusations against Marjorie and Julia Barretto

WATCH: Gretchen Barretto drags Ruffa Gutierrez into family feud