GMA Logo Alessandra De Rossi
What's Hot

Alessandra De Rossi, nanawagan ng dasal para sa amang nasa Italy at inang papunta roon

By Jansen Ramos
Published March 22, 2020 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alessandra De Rossi


Sambit ni Alessadra De Rossi, "Hirap malayo sa pamilya. Nakakabaliw."

Labis ang pag-aalala ni Alessandra De Rossi sa kanyang amang naninirahan sa Italy, at inang nasa Canada na papunta roon.

Alessandra De Rossi
Alessandra De Rossi

Idineklara ng World Health Organization ang Europa bilang bagong epicenter ng coronavirus disease 2019 dahil sa dami ng kaso at casualty doon, lalo na sa Italy, sanhi ng virus.

Sa Instagram, nanawagan si Alex ng dasal para sa kaligtasan ng kanyang mga magulang.

Father's day pala sa italy ngayon! My pepito, please stay locked in your home. Please help me pray for italy 🙏🙏🙏 and for @ermatsko who will be flying from canada pabalik ng italy very soon. Lord, please keep everybody safe. Salamat sa lahat ng may oras magpray with me! Much appreciated 🙏🙏🙏❤️❤️❤️ may God bless us all!

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Sulat ng Filipino-Italian actress, "Father's day pala sa Italy ngayon! My pepito, please stay locked in your home. Please help me pray for Italy and for @ermatsko who will be flying from Canada pabalik ng Italy very soon.

"Lord, please keep everybody safe. Salamat sa lahat ng may oras mag-pray with me! Much appreciated. May God bless us all!"

Ayon pa kay Alex, "nakakabaliw" ang malayo sa pamilya kaya ganoon na lamang ang kanyang pag-aalala.

#prayforitaly hirap malayo sa pamilya. Nakakabaliw. @ermatsko @babyblackfeet @vargherita @assuntaledesma 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Ayon sa latest report ng GMA News, 4,825 na ang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa Italy.

Noong March 10, ipinatupad ni Prime Minister Giuseppe Conte ang nationwide lockdown sa Italy hanggang sa susunod na buwan.