Showbiz News

Daughter of deceased Pampanga doctor pens heartwarming message for dad

By Aaron Brennt Eusebio

“You will never be prepared for your parent's death.”

Ganito sinimulan ng Cielo Jaochico ang kanyang madamdaming mensahe para sa kanyang pumanaw na ama na si Dr. Marcelo Jaochico.

Namatay si Dr. Marcelo noong Martes, March 24, dalawang linggo matapos siyang makitaan ng sintomas ng COVID-19.

Isa siya sa mga unang rumesponde sa mga kaso ng COVID-19 sa Pampanga bilang health chief ng probinsya.

“‪Nagmamakaawa akong sabihin niyo na sa mga magulang niyo ngayon kung gaano niyo sila kamahal,” pakiusap ni Cielo.

“Nang magkaroon [ako] ng sariling trabaho at kumita ng sariling pera, I didn't even think that I only have a year with him left.

“I didn't even get the chance to spoil him. We are fools to think of time as a luxury.

“Tell your parents you love them and tell them now.”

Dagdag ni Cielo, katulad ng ginagawa sa iba pang namatay dahil sa COVID-19, ike-cremate ang labi ng kanyang ama dahil toxic na ito.

Sa naunang post, ibinahagi ni Cielo kung kailan unang naramdaman ng kanyang ama ang sintomas ng COVID-19.

“It all started with a fever wayback March 11, 2020 (Wednesday). During the subsequent days, he experienced loss of appetite, fatigue, diarrhea and shortness of breath,” kuwento ni Cielo.

“He was home quarantined, nagpa-CBC test na rin (at normal ang mga results) and given IV fluids sa tinitirhan niya sa Pampanga until Sunday (March 15).

“From there, na-admit na siya sa isang private hospital dahil pabalik-balik yung lagnat niya. He also had to start oxygen therapy via nasal cannula due to his difficulty of breathing.

“March 16 (Monday), nagpa-chest x-ray siya, at normal ang mga resulta. Nagpa-test na rin siya for COVID-19. Further, gout and hypertension lamang yung iba niyang mga sakit but are manageable.

“March 17 (Tuesday) came, may basal Pneumonia na siya.

“March 18 (Wednesday) went, at na-transfer na siya sa ICU isolation for closer monitoring. It was in a government hospital nga lang because apparently, there were no more vacant isolated ICU rooms in private hospitals in Pampanga from what we were told.

“March 19 (Thursday) passed, at nagkaroon na siya ng pleural effusion o tubig sa baga.”

Sa huli, may pakiusap si Cielo sa mga tao na huwag alalahanin ang kanyang ama bilang isang tao na namatay sa COVID-19, kung hindi pati ang mga kabutihang ipinakita nito sa ibang tao.

“When you speak of him, please speak only of good words.

"Please do not remember him as someone who just died because of COVID-19. Sobrang dami niyang ginawa para sa bayan,” saad ni Cielo.

“Please pray for his soul. Please pray for the souls of those who are still fighting.”

Nagtapos si Dr. Marcelo ng kursong Zoology sa University of Santo Tomas at pagkatapos nito, nag-aral siya ng medisina sa Angeles University Foundation.

Nakuha rin ni Dr. Marcelo ang kanyang Master's Degree sa Hospital Administration sa University of the Philippines-Manila College of Public Health bilang cum laude.

Naging parte rin si Dr. Marcelo ng Doctors to the Barrior program ng Department of Health noong 1990s, kung saan siya ay naging “all-around” doctor sa Apayao, bago nagsilbing provincial health officer ng Pampanga noong 2013.