Showbiz News

Marian Rivera, 'breastfeeding' over 'gym body' ang priority

By Aedrianne Acar

Kahit nine months na si Baby Ziggy, hindi muna magbabalik sa pagwo-workout sa gym si Marian Rivera para mag-focus muna siya sa beastfeeding ng kanyang bunso.

Kuwento ni Marian sa behind-the-scenes ng Tadhana, “To be honest, wala kasi hindi pa rin ako nag-ba-back to gym para maging fit kasi nagpapadede ako sa anak ko so mas priority kong maging padede mom muna sa ngayon.”

Dagdag niya, “Ang mahalaga kasi talaga sa 'kin is mabigyan ko ng gatas ang anak ko. So 'yun muna ang priority ko. Ang pagpapa-sexy at pagpapaganda ng katawan next na 'yan.”

Payo niya rin sa mga mommies na conscious sa kanilang hitsura, “The mere fact na naging nanay ka, maging blessed ka, kasi hindi lahat pinagpapala na magkaroon ng mga anak.”

“So walang problema kung tumaba ka or may nangitim sa 'yo dahil sa panganganak mo, parte 'yun ng pagiging isang ina na maging proud ka dapat.”

Malaking tulong din daw na supportive at loving ang asawa niyang si Dingdong Dantes.

“Kami kasi ni Dong, ano talaga kami, buo kami as a couple.

"So alam kong palagi siyang nandiyan kapag may mga pakiramdam ako na nahihirapan ako, napapagod ako. At malaking bagay talaga na nasa likod mo talaga ang asawa mo na pinu-push ka para maging positive ka every day.”

Para maging happy wife at contented mom, ang sikreto raw ni Marian ay ang tamang self-care at time para sa sarili.

Aniya, “Hindi puwedeng wala akong time sa sarili ko. Sabi nga nila, kailangan one hundred percent buo ka at mahal mo ang sarili mo kasi hindi mo ka mo maibibigay kung anong wala ka.”

Panoorin ang iba pang secrets to being fresh and beautiful ni Marian Rivera: